Bago pa man mauso ang facebook at maaliw tayo sa mga apps na handog nito, una tayong naaddict sa FRIENDSTER. Sino nga ba ang walang friendster noon? Kahit nga yung mga ilang classmates ko na walang facebook ngayon ay may friendster din. Kung baga, nauna tayong namulat sa mga testi or comments na yan, kaysa sa mga like like ng facebook.
Nagsimula ako mag friendster nung grade 5 ako. Take note, friendster ang una kong site na nalaman sa internet. 11 lang ako noon kaya inadjust ko pa ang age ko sa 21 para swak sa friendster. Ni hindi pa ako marunong mag email noon pero FS user na ako. Siyempre impluwensiya ng kaklase, napaFs ako sa murang edad. Partida wala pa kaming internet noon so talagang gumagawa ako ng paraan makapag fs.
Alam niyo ba yung takip ng MATADOR brandy? Yun ang nagiging paraan ko para makapag computer sa labas. Paano? Dati kasi may summer promo sila. Yung cap nun yung may mga 5 pesos na nakalagay, pinapapalit ko sa tindahan. Sa bawat 5 pesos, 4 pesos ang palit. Sa bawat Matador na premyo, 15 pesos ang palit. Since madalas naman ang inuman sa street namin, kinukuhanan ako ni papa at pinangcocomputer ko naman. Yan ang wais na bata.
Naalala ko din, sa friendster ko una inupload ang unang picture ko using webcam. Old school no? Sa bahay pa ng classmate ko noon yun at grabeng tuwa ko dahil may picture ako sa computer. Ginawa ko pa ngang desktop picture ng pc namin yun wahahaha.
Friendster din ang una kong binuksan na site nung nagka internet kami sa bahay. May camp nga kami nun eh, umuwi lang ako ng bahay para hintayin yung magkakabit ng net sabay nag friendster ako. Madami akong memories sa friendster na yan. Jan ko din kasi nakilala yung ilang blogger friends ko dati nung nagsisimula pa lang ako magblog. Sila kuya led at marami pang iba. Sadly nagsipagsarado na ang kanilang blogs at hindi na rin gaano nakakapagtestihan dahil nga nandyan na ang facebook.
Bakit nga ba pinaguusapan natin ang nananahimik na friendster ngaun? Ahm kasi may mga balita, look mo ang pic:
Basahin ang kabuuang balita dito
Nakakahinayang naman kung mawawala na lang lahat ng pictures, testi, messages, groups at mga bulletins natin diba? Aminin niyo man at sa hindi, friendster muna ang kinabaliwan niyo bago ang facebook. Marami kayong pinagdaanan with fs. Madami na din kayong naupload na parte na ng memorya nio kaya kung ako sa inyo, bago mag May 31, gawin niyo na ito:
eto yun |
Isalba niyo na ang files niyo. At pagkatapos, tingnan natin kung maganda ba ang pagupgrade ng FS. Though alam ko na mas magandang mag FB kasi mas convenient, try pa rin natin. Ika nga sa kasabihan, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan" or in short, "ang hindi marunong lumingon sa friendster ay hindi makakarating sa susunod sa facebook." Waley. Basta yun na. Isabla natin ang files natin.
Oh pano, log in na. Eto na link --> PINDOTIN MO AKO
add niyo din ako hehehe --> PINDOTIN MO DIN AKO