Wednesday, February 23, 2011

Feels Good to be BACK

Di ko ma-imagine ang sarili ko na kayanin lahat ng sangkatutak na requirements ko bago grumaduate at kanina nga eh halos magsusumigaw ako sa saya dahil natapos na din ang final exams naming mga top students. Ang sarap sa pakiramdam ng petiks petiks ka na lang. Konti na lang ang gagawin. Talaga ngang totoo na kapag may tiyaga, may nilaga. Wala man akong nilaga ngayon, higit pa sa sarap ng nilaga ang matulog sa bawat gabi na walang iniisip kundi ang bukas at siyempre SIYA. (hihi)

Sobrang na miss ko magblog. Nawala ako sa blog sa ilang mga importanteng panahon na dapat ay nagpost ako. Sayang lang at hindi na kinaya ng oras ko noon na isingit ang pagblog. Wala tuloy akong mababasa pagtanda ko tungkol sa mga nakaraang araw. Goal ko kasi na mapreserve itong blog ko hanggang sa tumanda ako at pagtawanan ko lahat ng bitchy posts ko noon at ngayon.

Anyways, wala namang sense ang post ngayon. natutuwa lang ako at naishare ko lang sa inyo. Malapit na ako grumaduate! Magtatapos na ang pinakamasayang parte ng buhay teenager--High School life. nasabi ko nga kanina bago ko ipasa yung last test namin, next year, hindi na Quarterly Exams ang tawag dito, Prelims, Mid terms and Finals na. Mixed emotions. Imagine, 12 years akong nag-aral sa school na yun tapos aalis na ako next year. How sad pero ok lang yun. Masaya naman sa UP siguro.

Miss ko na kayong lahat! Batanggala, and the other friends out there. kamusta na? Drop a comment naman. Sige magkwentuhan na ulit tayo.

Renz is now signing on :]

9 comments:

Anonymous said...

congrtas sa life mo sa chigh school.. at God bless sa college..w ahehhee

Adang said...

welcome back :)

kikilabotz said...

ikaw na ang top studet. hahaha. nwei congratulationsssssssssssss

Bino said...

at bagamat bago pa lang ako sa bahay mo, magmemessage pa rin ako ng WELCOME BACK :D

BatangGala said...

dahil special mention ang pangalan ko, alam kong obligado akong magkomento! bwahahahahaha:))))) joke lang! anyway, congrats dahil ilang hakbang na lang makakalayas ka na sa highschool. sige!ikaw na! ikaw na! haha:)) juk! so, kamusta naman ang panahon na nawala ka ng matagal? wala bang kwento? haha:)) o sige na nga, hanggang sa next post! :D

BatangGala said...

dahil special mention ang pangalan ko, alam kong obligado akong magkomento! bwahahahahaha:))))) joke lang! anyway, congrats dahil ilang hakbang na lang makakalayas ka na sa highschool. sige!ikaw na! ikaw na! haha:)) juk! so, kamusta naman ang panahon na nawala ka ng matagal? wala bang kwento? haha:)) o sige na nga, hanggang sa next post! :D

halojin said...

hehe congrats renz! ^_^ welcome back din hehe

Axl Powerhouse Network said...

yun oh welcome back po sir :D

Renz said...

@sir Kiko salamat po :] haha. Good luck talaga


@sir Adang, salamat po ;]

@sir Kikilabots, wahahaha.. salamat kuya. :]

@sir Bino, bagamat bago ka lang po, salamat pa rin sa pagdalaw ng paulit-ulit. I'd been to your blog years ago? I can still remember it was the celebration of your 1000th post. alam ko nagfollow ako but then I can't see anything on my dashboard. pero kahit ganun dadalaw na po ako sa blog mo :]

@batanggala. aw. haha. naobliga ba ktang pagkomentuhin? patawarin mo naman ako. XD. Malapit ka na rin. Konting tiis pa. haha..

@sir alvin thanks!

@halojin.. SALAMAT! I'm back!

@kuya ALX, salamat po kuya. At bakit "sir"? haha