Sunday, January 2, 2011

Unang Hirit sa Bagong Dekada

Sa pagtatapos ng 2010 at pagsisimula ng 2011, may nabasa akong nagsasabing "bagong dekada na!". Totoo nga. Bagong dekada na. Panibagong 10 taon para makita kung uunlad pa ba tayo o babagsak o kaya naman ay ganito pa rin.

Actually, wala naman yan sa dekada. Nasa tao pa rin yan. Hayaan na nga natin yang usapin na yan. Nalayo na ako sa gusto kong sabihin. hirap talaga gumawa ng intro HAHA

Naging masaya naman ang pagsalubong namin sa bagong dekada. Sampu pa rin ang mga daliri ko sa kamay, gayun din sa paa. Walang sugat na maaaring likha ng paputok. Swabeng swabe at cute pa rin. (Wag na angal XD)

Ngayong New year, ni isang paputok o kahit anong pailaw ay hindi kami bumili. Malalaki na kami. Di na namin gusto ang bumili ng lusis na nakaugalian. sa pagkain na lang namin inilaan ang perang susunugin sana upang magbigay ng panandaliang ligaya.

Pagsalubong sa New Year

Ewan ko kung sadyang atrasado yung relo ko noong New Year dahil wala pang alas dose eh kabi-kabila na ang paputok. Mga 10 minuto pa sa orasan ko ay naggagandahan na ang pailaw sa himpapawid. Tapos nung alas dose na, aba wala na masyado. Kaya ayun nadismaya ako dahil wala pang 15 minuto ay tapos na ang putukan dito sa amin. Tag-tipid na ang mga tao.

Hindi malilimutan ngayong New Year?

Ang hindi ko malilimutan na nangyari sa aming pamilya ngayong new year ay noong nagGROUP hug kame. Ako, si Papa, si Mommy at si Ate. Kumpleto kami at masayang magkakayakap sa ilalim ng magagandang pailaw. Oh, diba touching. Hehe. good way to start the new decade. Sana kagaya ng handa naming malagkit eh mag stick together kamibng pamilya ng super close. Yun na lang ang ipagmamalaki namin kasi. Bukod sa dunong eh ang kumpleto at masayang pamilya ang panlaban namin sa mga kapitbahay naming bigtime sa datong.

Sana ay maging masagana ang 2011 para sa ating lahat.

PS Upcat results ko bukas.
Kinakabahan ako.
Sana pumasa ako. Please Lord, Best New year Gift Ever yun!
:]


Related Posts:

  • Unang TikimNasundan nga ang huli kong post at ngayon nasa isang computer shop ako sa loob ng campus ng UP Los Baños. Apat na araw na din ako dito. Sa loob ng apat na araw na yon ay marami akong mga bagong karanasan. Iba't ibang unang ti… Read More
  • Buhay pa akoAkalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may ut… Read More
  • PaskoPasko (Pangngalan)-- Panahon kung saan ang mga pantalon ay nagsisikipan at ang salitang diet ay taboo. HAHA Pasko na naman. Panahon na naman ng sandamakmak na party na katatampukan ng sandamakmak na pagkain. Pilitin mo mang p… Read More
  • Bangon CDOAlam ko, madami na ang mga blog posts tungkol sa sinapit ng Mindanao sa kadaraang bagyong Sendong, pero heto pa rin ako upang makiisa sa pagtulong, hindi man sa pamamaraan ng pagvovolunteer, kung hindi sa isang panawagan. Ala… Read More
  • Hala sige takbo!(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.) Ayun nga. Ngayong araw ang hul… Read More

7 comments:

Anonymous said...

Godbless sa result...

Pordoy Palaboy said...

i know you will pass your UPCAT...pe positive

2ngaw said...

buti na lang hindi mo pinahaba ung part nung sa group hug, nangilid na luha ko eh, naalala ko pamilya ko :(

happy new year sayo pre :)

BatangGala said...

nice!! :) nakakamiss yung mga lusis, sanauso din yun dito...haha. goodluck para sa agong dekada. and hopefully, pasado ka da upcat! :)

Anonymous said...

Ano na? Nakapasa ba sa UPCAT? Happy New Year? :P

glentot said...

Uyy may tanging yaman moment with the family hehehe...

Eto isang malaking good luck sa iyong UPCAT results at balitaan mo kami! Ganyan din ako nung naghihintay ako ng result!

Adang said...

uy congrats and gudluck..