January 17
Isang araw kung saan dalawa sa pinakamahal kong tao ay nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon. Malapit kasi itong dalawang ito sa akin at eto na lang ang way ko na mapasalamatan sila sa lahat dahil wala naman akong pera pambili ng regalo. Pag engineer na ako saka ko na lang kayo reregaluhan.
Una.
Sino ang hindi nakakakilala dito kay Miss Fat? Siguro merong iba na hindi siya kilala. Baka nga ang sabihin niyo pa, Who cares? Sino ba yang mga siya? may dulot ba siya sa akin? Sa akin? OO
Siya po yung adviser ko last year na ngayon ay adviser nila bhenipotpot na english teacher ko pa rin. Siya ang ugat kung bakit ako nagbloblog ngayon dahil sa activity niya noon na nahanap ko sa blogger. Bilang pasasalamat sa blogger eh nagcreate ako ng blog at nagsabing mabloblog ako.
Anyways, highway, si miss fat yung tipo kasi ng teacher na hindi mo halatang teacher kasi hindi siya yung tipikal na maria clara teacher. Modernized. pafb mobile na lang. Promoprojector at kung ano pa. Yun yung dahilan kung bakit gustong gusto ko pag subject niya. Hindi boring.
Siya din yung tao na ang lakas magkwento ng katatakutan tapos pagnagkakatakutan na, siya yung pinakamabilis tumakbo kahit nakaheels. Oh diba?
Last year, nung 21 siya, kasama namin siya na sinalubong yung birthday niya kasi nasa overnight swimming kami noon. Nakakamiss nga eh. Isang taon na ang lumipas nung sinasakyan niya ako sa likod sa wave pool at sabe ilangoy ko daw siya. Balyena ba ako? XD Isang taon na din nung sumayaw siya sa table kasi trip niya lang.
Di man kami ang nakasama mo ng matagal ngayong birthday mo miss fat, at least kahit papaano eh nabati ka naman namin at naalala kahit rush ang card ng aming section for you. You will always remain as our Inang RIVAS, our sister, our adviser.
2ND
ISA SA PINAKAIMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO.
Ang MOMMY KO.
Imagine kung hindi siya isinilang noon, wala sana kayong mababasang walang kwentang blog ngayon. Utang ko ang lahat sa kanya.
Sobrang mahal na mahal ko si mommy. Mas lalo ko pa siyang minahal dahil nakikita ko lahat ng sakripisyo na ginagawa niya para sa aming pamilya. Hindi tulad ng isang tipikal na ina, ang mommy ko ang nagtratrabaho ngayon. Buti nga at nakabalik na si papa sa work.
Ang mommy ko ang best mommy in the world. Maliit man siya sa ating paningin, malaki naman ang lugar niya sa puso ko. Kanina nga, napilitan sioyang gumising ng maaga para magluto. Usually si papa ang naghahanda ng lahat sa umaga pero since nagwowork si papa, siya na muna. Birthday na birthday niya pero kame pa rin ang inuna niya. Balak ko nga na pagtampuhin siya. Kunwari di ko naalala na birthday niya pero di ko kinaya. Niyakap ko siya habang kumakanta ako ng happy birthday mommy sabay kiss.
Mas mahal ko siya ngayon kasi natouch ako sa sulat niya sa akin nugn retreat. Share ko to:
"Anak, alam mo noong bata pa ako, sinasabitan ako ng lola Inang mo ng medal sa stage. Sabe ko sa sarili ko sana pagtanda ko ganun din ako sa mga anak ko. Hindi niyo ako binigo ng ate mo"
Sa pinakamagandang nanay sa balat ng lupa, HAPPY BIRTHDAY MOMMY! LOVE YOU TODO TODO! Di mo man mabasa to, ayos lang. May surprise kame sayo. Cake. XD uwi ka na ha XD
9 comments:
umiyak din c mis pat kanina dahil akala niya walang papansin sa knya. :)) kinantahan namin ng happy birthday ung kaklase namen lol :))
anyway.. lam mo bang sinabi niya samen na isa ka sa mga lab niya talaga sa mga dati niyang estudyante..yihiii :D sa atin na lang pala kuya louie ung nakita mo kanina sa kantin. lol =))
isang maligayang kaarawan sa iyong dating adviser at sa iyong mama :D
kakatouch naman renz.. your mommy is so lucky to have you and you too to have her. sana ganyan din kasweet ang nanay ko. and about miss fat, napakabait naman nya. no wonder kaya labs mo siya. good people are hard to forget. happy birthday sa kanila!
hope you enjoy your retreat! and hopefully you bring all the things you learn in your heart and mind as you go along you own journey called LIFE...
yess! you're back na! :) and, super natouch ako sa post na 'to lalo na sa message mo para sa mommy mo, bihira lang ang kilala kong lalaki na kayang sabihin at ipagsigawan sa lahat kung gaano nila kamahal ang mom nila. belated happy birthday sa mommy mo, at pati na rin kay ms fat! God bless! :)
Louie...THANK YOU!
I will always love you!(isipin muh nah lng kung kinanta ko yan)hahaha..
GO Go Go!!Keep on dreaming,believing, and I'm pretty sure You will SURVIVE!!
I love reading ur blog!hehe.
happy birthday sa kanila..
ohh, taga silang cavite ako renz at kahit kelan di ko napasok yang La Salette. :((
belated happy birthday kay mommy mo and kay ms. fat. :))
Happy birth day sa adviser at kay mama u renz.. isa lang masasabi ko! thumbs up ako ! hgehe// renz? nga pala pasensya ka na kung hindi ako nakakadalaw sa blog mo// panu nag sabay sabay kasi... mid-term exam namin ai...
p.s. renz? pabago naman ng Link ko sa blog roll mo... kasi ang gamit ko na na blog ngayon yung halojin.com na... so papalitt ko na yung link ko sa roll mo ng halojin.com... salamt renz! inform mo naman ako pag ok na? eto lagay ko na yung link mo sa blog roll ko salamt
Post a Comment