Wednesday, November 17, 2010

Thesis

Eto na nga, dumating na ang isa sa mga bagay na medyo pressuring sa part naming mga seniors. Dumating na sa kaisipan ng teacher namin na oras na upang gumawa ng thesis tungkol sa ilang mga socio-economic problems sa Pinas. Since economics ang subject namen eh siyempre kelangan tungkol yan sa ekonomiya at siyempre kelangan hindi basta-basta na lang baliwalain kasi one of my favorite subjects is history. Ang kaso ang hirap niya talaga to the infinite power.

Brainstorming mode pa lang kami. Siyempre may mga previous batches na na nauna samin so parang ang panget kung pareho ng topic diba. So halos lahat ng magandang topic eh nakuha na. 6 groups pa ata kami sa seniors so isa pang problem ang pag-uunahan namin sa mga topics na yun.

Isa pang daing, ang mahal niya. Magpapabook bind, magreresearch, heavy printer works, labor, meryenda, transportation. Ang sakit sa bulsa.

Pero on the other way around naeexcite naman ako. May freedom na kasi kaming pumunta sa kung saan lugar para mag-aral sa mga bagay-bagay na yun. Ang sayang experience nung magiinterview kayo at sama-sama kayong magpupuyat sa iisang bahay para gawin ang thesis ninyo.

Di bale konting tiis na lang naman at discharge na kami sa high school. Konting sakripisyo na lang hawak na namin diploma namin. Naks naman.

So wala lang, naisipan ko lang isulat toh.
Anyways, ang lesson naman eh "Kung may tiyaga, may diploma"
Have a nice day!

Related Posts:

  • Student Government Elections 2010I am not into blogging since last week because of a hectic schedule mapa weekdays man o weekends, so sorry guys, I'll try to read your post soon pag nakahanap ako ng konting time. I just want to share this thought kasi ang da… Read More
  • PlansNoong summer uber plano ako para sa anniversarry ng blog ko, as in yung tipong 2 months pa lang eh vinivisualize ko na yung mga bagay na yoon, mga awards na ibibigay at kung anu-ano pang extra efforts pero ewan ko lang ngayon… Read More
  • Superstar!Pakisampal nga ako. Hehe. Feeling ko kasi artista na ako, hindi man dahil sa looks or talents pero dinaig ko pa ang artista sa kabusyhan, even though di naman ako napupuyat sa taping and mall tours ko. Asa naman :]So Hindi ak… Read More
  • First day ng school :]Kringggg..yahoo tumunog na ang alarm clock ko na sinet ko para sa aking dad na katabi ko lang matulog kasi siya ang magluluto ng aming almusal at babaunin for this day. Hindi naman ako excited nun ha? medyo gising na ang diwa… Read More
  • Ang adviser ko :]Siya po si Ginoong Arnold V. Garces, and kinatatakutan ng mga high school students lalo na kung madami kang atraso, dahil siya ang prefect of discipline ng school. Siya ang adviser ko ngayong fourth year ako.Way back my junio… Read More

7 comments:

Jag said...

goodluck young man! :)

kikilabotz said...

yan ang pinaka ayaw ko ang gumawa ng thesis . buti n lng grop ehesis s amin at mdali ang gawin

glentot said...

Promise, thesis ang isa sa pinakamahirap na dinaanan ko (noong college) sa buong buhay ko, para kaming dumaan sa butas ng karayom. Sa thesis mo makikilala ang tunay mong kaibigan, at tunay mong kagalit. As in, kahit matagal nang tapos ang thesis, magkaibigan pa rin kayo 9o magkagalit) dahil sa tindi ng pinagsamahan ninyo.

bulakbolero.sg said...

congrats renz, konti nalang gragraduate ka na. college days naman. hehe.

Unknown said...

hirap parin mag thesis kahit sa college.:D

Anonymous said...

you're just starting man! haha. way to go! Kaya nyo yan! Paghandaan nyo yan mabuti, it's a preparation for your bachelor's degree. Mas mahirap yun at mas madugo! I wish you all the bestests!!! :]

Renz said...

@jag thanks bro ;]

@kikilabots sa ngayon eh group thesis kame kaya medyo magaan pa ang work kaysa sa college :]

@kuya glentot yeah right. Dun nga daw malalaman kung sino at kung anung uri ng tao ang mga kasamahan mo.

@bulakbulero YES! makakasama na ako sa mga blogger EBS if ever

@arvel. yeah wala namang madaling gawain. Lahat mahirap

@iprovoked. Thanks sir. YEah.naaapreciated ko nga si tchr namin dahil maaga pa lang sinasanay niya na kame eh :]