Thursday, November 11, 2010

Childhood Crushes

Actually, bata pa naman ako, 16 pa lang ako at next year pa ako magbibirthday pero ang tinutukoy ko sa title ng post na ito ay ang mga naging crush ko noong ako ay nasa elementary pa lang.

Grade 1 pa lang ako nung una ako nagkaroon ng tinatawag na crushes na yan. Dati, big deal yung mga crush crush na yan as if pag naging crush mo yung isang tao siya na yung magiging partner mo forever. Mga crazy concepts ng kabataan. Tuwing iisipin mo tong mga ganito matatawa ka na lang kasi sa sobrang bata mo pa lang eh kung anu-ano na ang naiisip mo. XD

Ok, eto yung mga ilan sa naging crushes ko noon.

1. Si Jerlyn:


Si Jerlyn ay ang una ko atang naging crush nung grade 1 pa lang ako. Nung mga times na yun eh transferee kasi siya at alam mu yun yung amputi talaga niya tapos lahat ng classmates ko crush siya nun so ako sabi ko crush ko na din siya. HAHA. Ngayon, classmates pa rin kami at friends naman kami. Siya ang kasalukuyan naming top 2 at siya ang nagrepresent sa school namin sa interschool pageant at nanalo siya ng first runner-up. Oh diba? beauty and brains!

2. Si Karen:


Si Karen yung tipo ng bata na napakatalino as in in born sa katalinuhan. eh dati pa naman, basta matalino ang isang babae eh sinasabi na crush ko yan crush ko yan. So naging crush ko din ito noon. Can't determine kung kelan basta kasama siya sa listahan.
Update sa kanya, nagaaral siya sa Caloocan Science High School. Di na namen makakasabay grumadweyt sa same stage ngayong high school. Siya pala ang Valedictorian namin noong grade 6.

3. Si Vienna:

Yap, kung nabasa mo yung previous post bago ito, siya nga yung nagbigay ng dedication na yun sa akin pero ngayon it doesn't mean anything. Pinasulat ko lang talaga siya.

I had this very funny exxperience kay vienna nung grade 3 palang kame. Noong mga
times na yun eh natututo na ako magkalikot ng cellphone at medyo alam ni vienna ang number ko at tinatawagan ako. ubos load XD. Tapos pinuntahan ko pa siya sa bahay nila na di kalayuan para ipakita ang cellphone namin na 5110. Fail XD.

4. Si Wrindle: (sa right) sa left yung BFF Janelle ko. (saka na kwento tungkol kay bff)


Crush ko toh dati nung mga late elem days na ako na medyo namumulat na ako sa konsepto ng kagandahan. Alam mo naman, puberty stage. Nagandahan lang ako sa kanya at nabaitan kaya naging crush ko siya dati. Ngayon, isa itong tao na to sa nakakaalam lahat ng updates ng buhay po lalo na sa buhay pag-ibig ko.XD

5. Si Marijoe; (sorry for the pic ha, hindi ako makahanap ng magandang solo shot eh kasi kulay blue lahat :] btw maganda pa rin naman siya kahit stolen)


Tulad ni Wrindle, naging crush ko lang siya dahil na-cutan lang ako sa kanya dati. Ngayon, di kami classmates neto. Magkaiba kami ng sections pero close pa rin naman kami at nagkakatxt :]

6. Si Isabella


Ito ang huli kong naging crush noong elem ako, particularly grade 6. Transferee siya noon at siyempre bagong mukha kaya naattract ako sa kanya. Sa lahat ng naging crushes ko siya lang ang kulot. Haha. Ang cute niya kasi dati. Nung high school na kami lumipat na siya ng school kaya ayun wala na akong masyadong balita sa kanya.

*May isa akong di nilagay dito. XD Wag na nating alalahanin yun XD.

Buti pa pag bata ka eh nuh madali lang magcrush crush. Ngayon pag high school ka na konting anu lang eh issue na agad.

HAHA

Wala lang. natripan ko lang ipost to. Nakakatuwa kasi isipin yung mga ganitong bagay. Soon na yung high school. HAHAHA

O siya, tama na kwento tungkol sa mga crushes ko dati XD

12 comments:

ien morales said...

eto pala yun. wahaha!!!
naaalala ko pa ung moment na un :)) pinagalitan p ko ni mama ng dahil dun.:)

haha.
-FLATERRED- pero dpt pti H.S meron din....

si HOORAY??

bad_mj97 said...

ngayun ba'y wala parin pumapalit dyan sa puso mo renz?hehehe namiss ko ang blog mo..xa pa rin ba?

iprovoked said...

crush ko din silang lahat! hahaha.. Good memory sir! :]

bulakbolero.sg said...

dapat sinama mo na din yung isa.

Vir Anthony Suazo Talaugon said...

enjoy na enjoy akung basahin blog mu.. hahaha. kakatuwa.. Im a new follower :)

BatangGala said...

niiiice!!! hindi ko ata kayang maggawa ng listahang ganito. hahaha:))) pero mas eksayted akong marinig ang kwento tungkol kay bff. :DDDD

you know my name said...

ang dami mo pala crushes renz... tipo mo pala yung matatalino, like you. parang mas exciting yung hs, naisip ko lang hehe

bHeniPotpOt said...

hahaha nakakatuwa :D naging kras mo pala c isabela :)) pagaya kuya lui ah :D :D :D natuwa ako much eh :))

pusang kalye said...

oi--kaw ha--kiss and tell ka. wag ganyan. stalker much. alam ba nitong mga inusenteng biktima na to na ninakaw mo ang pic nila sa fb at pinublish sa buong mundo? bwahaha

Renz said...

@IEN haha..mga kalokohan mo kasi dati. Anyways sino si HOORAY?
Highschool bva? saka na after graduation para touchy XD

@KUYA MJ! Miss ko na din po comment mo :]
yeah right sige na aamin na ako. Siya pa rin :]


@IPROVOKE haha.. sige ipapakilala ko sila sayo if ever na magkatagpo-tagpo tayo o0r add mo sila sa fb XD

@BULAKBULERO.SG haha.. bitter po ako. JOKE

@SIR VIR FLATTERED naman po ako. Thanks for appreciating my blog sir :]

@BATANGGALA Hahaha.. dahil ba nagbabasa na ang pamilyanggala? XD
Btw hindi pa oras yung kay bff. Saka na po siguro :] naks

@ATE KAREN, iba na pala ang name :] naks. I know your name! Masarap po kasi madaming crush, madaming insiprasyon. JOKE

@BHENIPOT, yeah naging crush ko yun, ewan ko kung baket XD. Nabasa ko na entry mo. HAHA katuwa rin Xd

Renz said...

@PUSANG KALYE. Haha. Wala naman pong malisya ang pagpost nito. Yung iba sir alam yung iba hindi :]
haha
ayus lang yun. Sikat ang face sa blogosphere :]

goyo said...

HAHAHAHA! penge namang isa. haha.