AHA
Since napasok na dito ang usapang patay, let's get it on.
Nung nakaraang week ay inalala natin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod sa sementeryo at sa kung anung pinaglagakan sa kanila. Yung iba naman eh nagtulos na lang ng kandila para sa mga patay nila.
Ika nga nila eh it's better to be late than never. So makikilat
e UNDAS ako.
Yan yung picture ng kandila na sinindihan ko noong undas. Limang maliliit na kandila--limang patay na inaalala.
Unang kandila, inaalala ko lahat ng patay. Yung literal na patay--mga namatay sa sakit, sa katandaan sa aborsyon, sa pagkamartir... Nawa ay sumalangit na ang kanilang mga kaluluwa.
Ikalawa, hindi lamang mga patay na katawan ang pinagtitirikan ko ng kandila. Ito ay para sa mga taong patay na ang konsensiya. Sa lahat ng taong pumapatay. Tandaan niyo, Diyos lamang ang may kakayahang bumawi ng buhay kaya kung kayo ay kumitil ng buhay, nagpaabort o kung anu man, para sa inyo ang kandilang ito.
Ikatlo, para sa patay na sistema ng pamahalaan. Para sa patay na pamamahala. Para sa nagpapatay-patayan at pagtataingang kawali sa daing ng mga tao. Para sa inyo ang kandilang ito.
Ika-apat, Para sa patay at patuloy na pinapatay na kalikasan, para sa halos mamatay na inang kalikasan. Ang kandilang ito ay simbolo na ako ay kaisa ng kalikasan tungo sa pagbabago. Isang ilaw, na pagsinamahan ng iba pa ay magbibigay linaw sa buong mundo at magpapasiglang muli sa inang kalikasan.
Ang huli, para sa ating mga sarili. Sa patuloy na pagpapatay-patayan natin sa pagiging anu na lang ang kaya natin.. Nawa ay mapagliwanag ng kandilang ito ang ating sarili...ang kandila ng pagbabago...ang kandila ng liwanag ng bukas.
Ang dapat, araw-araw ay gawin nating pag-aala-ala sa lahat ng patay sa ating paligid--literal man o hindi.
Tulad ng batang ito-- siya si kat-kat, tatlong taong gulang, batang probinsiya. Anak ng isang kalaro ko dati na medyo may konting pagkukulang sa pag-iisip. Produkto ng karahasan, produkto ng kahalayan. Sana huwag tayong mag patay-patayan. Tulungan nating mabawasan ang mga tulad ni katkat. Matanda man, o bata, may magagawa tayo.
Buhayin ang mga patay! (sounds creepy!)
hoho
Have an inspiring post-Halloween/UNDAS
6 comments:
nice post.... remembering our loved ones should not be only for a special occasion like this..
i also like the 5 candles that they symbolized such an eye opener for us..
nakakaawa naman si kat-kat. sana lumaki siyang maayos at may takot sa ating Diyos. :D
patay.
aw, si katkat ba ay anak na nagmula sa rape? pero mabuti at hindi siya inilaglag.
nice! maganda ang simbolismo ng mga kandila! meron ka talagang mabuting heart, pa-share nga! baka sakaling babait din ako. haha:)) joks! :DD at... nalungkot ako para kay katkat. :(( sana nga'y muli ng mabuhay ang mga namatay.
hah?
basta yun na yun.
haba na ng koment ko, blog ko ba 'to? joks! ingatS!
I feel sorry for Katkat. Justice shall prevail in the end. If not here in earth, I'm sure they can't escape God's justice! Happy post-Halloween! :]
mabuhay ang mga patay ka jan? hehe pero ok yung mga meaning ng kadila na tinirik m0.. napansin ko sa gilid ng picture kta ung daliri m0..hehe
@zeb thank you for appreciating thought of mine such as these. Sana nga eh hindi na siya mapares sa kanyang ina pag laki niya.
@khantotantra opo. siya po ay anak dahil sa rape. Swerte siya buhay pa siya ngayon. kahit papaano ay sinusuportahan naman siya at ang nanay niya ng mga taong nakapaligid sa kanila.
@batanggala sure, eto oh <3 haha XD. Don't worry about posting long comments. Gusto ko nga yun ng may mabasa ako :]
@iprovoke tama po. Walang makakaligtas kapag ang Diyos na ang humingi ng hustisya at kapag ang Diyos na ang nagjudge.
@halojin napansin ko nga din. CP cam lang kasi ginamit ko at nagmamadali pa akong kuhanan yang batang yan kasi nakakahiya na pipicturan ko siya for blog material. Baka sabihin nila pinagkakatuwaan ko pa yung bata kaya ayun..
Post a Comment