Ang post na ito ay 3rd installment ng college university entrance test kwento ko. After ng madugong UPCAT at ng SWABENG USTET eh napagdesisyunan ko na kumuha din ng exam sa Mapua Institute of Technology.
Bakit?
Dahil sabi ng mga nakakaalam, mahusay daw ang Engineering ng Mapua at dahil nga dream ko maging successful engineer someday ay siyempre check ang Mapua sa dream universities ko.
Actually, medyo hindi naman malayong malayo ang Mapua dito sa bahay namin. In fact, isang bus at isang jeep lang samahan ng kwentuhan at tawanan eh nasa Mapua ka na.
Nung nag-apply kami sa mapua, nakakuha kami ng libreng bag at pin. Yun yung gagamitin daw namin sa exam if ever we want. So ayun together with other 3 engineering aspirants and 1 architect to be, sinuuong namin ang Manila.
Siyempre sa una, kasama namin nag-apply yung dad ko at dad ng isa kong classmate pero nung exam na eh kami kami na lang ang pumunta. Big boys na kami. Alam ko naman na kung paano basta once na makapunta ako kaya di na problema.
Let me describe Mapua. Compared sa UP at UST, medyo maliit lang ang Mapua. Composed ito ng SOUTH, NORTH and WEST building if I'm not mistaken. Medyo kitang-kita mo agad ang mga estudyante na naglalabuyan sa campus. Di gaya sa UP na sobrang lawak kung saan parang nasa park ka lang at di mo aakalain na mga estudyante ang makakasalubong mo.
Maganda din naman ang facilities ng Mapua. Saktong-sakto sa mga courses offered nila. Puros mga gamit ng engineer ang makikita mo. Kaya nga love ko ang Mapua dahil doon.
Sa loob ng testing area, sobrang malamig. Putek nakashort lang ako nung nag-exam. Gininaw tuloy ako pero natapos ko naman yung exams.
About exams, madali lang siya ng konti. Verbal exams, 90 items for 1 hour, Numerical Exams 45 items ata sa 1 hour tapos Subject tests 45 items composed of Biology, Chemistry, Physics, Logical Reasoning at Critical Thinking na sasagutan mo sa 40 minutes. hanep.
After namin mag-exams eh gumala kami sa Manila. Sapalaran kaming lima kasi 1st time namin gagala sa isang lugar na hindi naman namin gaanong kabisado. Lakad dito, lakad doon, nakapunta kami sa Luneta. oh diba, ang sipag ng paa namin. Eto ang ilang sneak peak.
After a week eto ang naging bunga ng exams ko:
Sobrang saya ko! Pasado na ako. MAy isang university na na pwede akong pumasok sa college :]
Final college entrance test, PUP College Entrance Test ;]
6 comments:
Congrats, tama yan mag-exam ka sa maraming schools para madaming choices, exposure na rin sa iba-ibang environments... At least you have your buddies with you.
niiiiiiice!!! talagang naghahanda ka na for college ah. and buti na lang madali ang exam for you, hopefully makapasa ka sa top schools na napili mo. good luck!! :) bout sa photos... ikaw na! ikaw na matangkad! wahaha:)))
yun oh . hehee. iggreet n kita ng maaga. i know balang araw isa k sa mgiging pinka sauccesful n tao s mundo. hehe. manlilibre n yan
Lupet naman pala ni Renz! ayos yan! test lang ng test at kung anu ang gusto yun ang gawin heheh... nga pla atleast nakakagala ka din,.,, sana maexperience ko rin yan!
sa haba ng nilakbay niyo, sa wakas you passed the entrance examination!
'congrats!
Post a Comment