Sa bawat pagsali ng mga estudyante sa mga contest na iyan, sino ba ang gumagabay? Mga guro diba?
Sa bawat kaalaman ng mga estudyante, ang may turo niyon ay walang iba kundi mga guro diba?
Sa bawat nurse, doctor, abogado, enhinyero, artista, kapwa guro at kung anu mang trabaho pa yan-- guro din ang naghulma sa bawat isa hindi ba?
Sabi nga ng ate ko na guro "Teaching is a truly humbling profession."
Kung tutuusin, hindi naman malaki ang sweldo ng mga guro. Minimun lamang ang seldo ng ordinaryong guro, na kung tutuusin ay kikitain nila ang doble pa noon kung ibang propesyon ang kanilang pinili, pero hindi. Hindi sila nagdalawang isip na maging instrumento ng pagkamulat sa kamangmangan ng mga estudyante--Instrumento ng pagbabagoo.
Kapag naging guro ka, pagod ka palagi. Nakatapos ka na nga sa pag-aaral mo bilang estudyante, heto ka na naman, nag-aaral para sa mga lessons na ituturo mo sa mga estudyante mo.
Naiintindihan ko ang ganoong pakiramdam, dahil ako mismo ay isang batang guro, isang katekista. Naiintindihan ko ang isang bagay na nagbibigay ng lakas sa isang guro upang magpatuloy sa ginagawang kabayanihan-- iyon ay makita ang mga estudyante niyang natututo at natutuwa.
Sa simpleng pasasalamat at pagtangkilik sa isang guro at sa mga ginagawa niya ay katumbas na ng lahat ng mga gamot sa lahat ng karamdaman ng isang guro. Kaya bago matapos ang akdang ito, lubos akong nagpapasalamat sa mga gurong naririyan sa buong mundo. Maraming salamat dahil hindi lamang intilehidad ang inyong hinulma sa amin, pati ang pagkatao namin ay binigyan ninyo ng direksyon at sinisugurong sa pagtatapos ng buong buhay na grading period namin ay makakakuha kami ng mataas na marka.
Mabuhay kayong lahat--mga bayani ng ating lipunan. :]
PS. Happy World teachers day po sa ate ko, at kay Miss Fatima Rivas. :] gayun na din sa lahat ngg naging guro ko sa loob ng aking 12 taon ng pag-aaral :]
2 comments:
renz parangnahihirapan akong basahin. sa background ata ng lay out mo ^_^
opinion ko lng
"Teaching is a truly humbling profession."
-- lagi ko itong naririnig pero di ko gets haha may mga kilala kasi akong teachers na hindi naman humble... mwahaha
Post a Comment