Bibili ka ng isang bagay pero mauubos at mauubos din ito.
Ang ilaw ay napupundi rin, ang tsinelas ay napupudpod rin.
Ang buhok, napapanot, pumuputi.
Ang dahon, nalalagas, nalalaglag.
Ang bulaklak ay nalalanta.
Ang oras ay dumadaan...
Ang pasensiya ay nauubos.
WALANG PERMANENTE sa mundong ito kundi pagbabago.
Sa pagdaan ng mga araw, napansin ko na unti-unti akong nagbabago. Bukod sa mga pisikal na pagbabago, nandidiyan na rin ang pagbabago sa pag-iisip, sa mga trip sa buhay.
Minsan trip ko magpakasaya ng sobra-sobrang saya. Minsan gusto ko magmukmok sa isang sulok, isalpak ang earphones sa aking tenga at ipikit ang mga mata kasabay ng tugtog na nangingibabaw sa aking mundo na walang makakaistorbo.
Bakit ba kasi ang haba ng pasensiya ko?
Bakit ba kasi hinahayaan ko na lang gumulong ang oras at hindi ako gumagawa ng pagbabago?
Acceptance.
Yan ang sagot diba? Alam ko, pero ako mismo hindi ko maispelling sa sarili kong buhay kung ano ang acceptance.
Ang sugat, naghihilom din.
Siyett namimiss ko na yung cellphone ko. Nasira siya . Tsk. Hindi ko matanggap na wala akong cellphone sa sabado pagpunta ko sa Subic. Paano na yung mga pictures? HUHU.
Sinasayang ko ang oras, hindi ko siya agad napagawa. Huli na ang lahat.
(sorry, umemo slight.)
:))
Miss you all guys!
6 comments:
tama brod walang permanente sa mundo, ang lahat ay lumilipas din, at ang lahat din ay nagbabago din. Kaya hindi pwedeng pangarapin ang kasiyahan dahil hindi naman ito pangmatagalan!
hehee parang lalim nun ah!hahaha!
Ingat pre
so sad but true.. nothing is permanent.
yeah tama...bukod sa "change"... ang "nothing" ay permanente din... sabi mo nga "nothing is permanenet"... aheks...:D
"WALANG PERMANENTE sa mundong ito kundi pagbabago."
me like that. anu daw? haha:)) nakakareleyt ako dito, parang ganito din ang tumatakbo sa isip ko. ayun, ingats sa pagpunta sa subic! :)
Change is part of human cycle. Actually acceptance is only the third stage of change. The last stage is discovery.. after accepting change, you'll find that change is good for you. :) Visit mo blog ko and punta ka sa July archive.. hanap mo titla who wants change.. hehe! similar post with this. :)
@drake siyempre po minsan kelangan mo din pangarapin na maging masaya kahit hindi din siya pangmatagalan para masaya diba? :] gulo much XD
@supergulaman--tama! NOTHING ay permanent din. Di ko naisip yun XD. Nice thought!
@BATANGGALA talagang updated sa subic excapade? bytheway nagingat naman ako dun :] tnx
@Nice naman. Yeah you're right sa sinabi mo. After acceptance there's discovery. Thanks for sharing this one :]
Post a Comment