Tuesday, October 26, 2010

Pagbabago


Pagbabago...

Sabi nga sa nakaraang post ko eh walang permanente kundi pagbabago. At obviously bago din ang lay-out ko dahil gusto ko ng pagbabago. Kasabay din ng pagbabago ng layout na ito ay ang pagbabago ng background music dito sa blog ko. At bago nga pala ako magkwento eh gusto ko po ipaalam na tinanggal ko lahat ng widgets ko dati--ibig sabihin lahat ng nawala sa blogroll ko feel free to message me at my chatbox. I'll link you back. Sorry. Need lang eh. Nagloloko kasi ang itsura kaya nireset all ko.

Anyways, Pagbabago. Pagbabago.

Kanina, naglalaba ang aking tatay ng punda ng unan at nung mag-aalmirol na siya eh sabi niya hindi raw siya makahanap ng gawgaw. sabi ko naman ng walang halong biro "Bakit walang gawgaw? nageleksyon lang nawalan na ng gawgaw sa mga tindahan?" Honestly seryoso ako pagkasabi ko niyan. saka lang nag-sink-in sa utak ko na nakakatawa pala yung sinabi ko matapos mag-sitawa ng buong pamilya ko.

Kaya pala walang gawgaw kasi daw konti na lang daw ang gumagamit nun ngayon. oo nga naman nuh?

Since napasok na ang eleksyon, let me connect na rin ito.

Lahat ng tao gusto ng pagbabago. Sino ba naman ang ayaw diba? At sa kagustuhang ito, ginagawa ng mga tao na magrally at kung anu-anong protesta. Ang tanong may ginawa ka ba para makamit yung pagbabago na yun?

Kahapon? Bumoto ka ba ng bagong barangay at SK leaders ninyo? Ako kasi hindi ako nakapagparegister sa SK. tatakbo pa naman sana akong chairman XD. Anyways, since hindi ako nakaboto, wala akong karapatang magreklamo diba?

Ang hirap naman sa ating mga tao, binigyan na nga tayo ng chance para BAGUHIN eh tinamad pa tayo pumunta at magsakripisyo ng kaunting oras para sa bukas. Kesyo walang pamasahe at tinatamad. Paano naman aandar ang bukas kung ikaw mismo ayaw magsakripisyo ng 10 piso pamasahe? Paano naman sisipagin ang bukas na gumanda kung ngayon pa lang botohan ay tinatamad ka na?

Diba? Isipin niyo, tayong mga tayo ang nagkakanda-labas ang litid sa pagsigaw ng pagbabago pero mismong mga bilbil natin ang lumalaki sa kakaupo na lamang at hindi pag gawa ng aksyon?

SIGE MAGREKLAMO KAYONG HINDI BUMOTO. Ang kapal na ng mukha natin nun kahit na sabihin pang demokratikong bansa ang Pilipinas.

Sa susunod na eleksyon siguro naman lagpas 18 na ako nun so boboto na ako. Atlest pag ganun diba pwede na akong magreklamo bottomless kung sakaling mali ang pamamalakad ng gobyernong ibinoto ko diba?

so much affected lang naman ako kasi sayang ang boto eh. :]

PAGBABAGO--- Nagsisimula yan sa sarili natin. DISIPLINA ay katumbas din ng Pagbabago. So mas maganda kung ang isisigaw ng tao sa gobyerno ay hindi pagbabago kundi DISIPLINA at ganun din ang tugon ng gobyerno sa tao--DISIPLINAHIN NIYO DIN ANG SARILI NINYO.

7 comments:

Barangay Love Stories said...

Kabataan talaga ang Pag-asa ng Bayan. Kung ang kabataan ay magiging mamamayan siguradong uunlad ang Pilipinas.

kikilabotz said...

sayang hnd ako nakaboto. hehe.

BatangGala said...

tamaaaa!! hands down ako dito! ang pagbabago nga naman ay hindi nagsisimula sa ibang tao, hindi sa tibi, hindi sa radyo, hindi sa dyaryo kundi sa atin mismo. :) me like the new layout!! inggit ako. tulungan mo naman me magbago ng layouts! ;)

Dhianz said...

ei... musta renz? pagbabago.. dmeng lay out na kablogs koh dati ang nagbago.. so medyo nanibago den akoh... akoh na lang atah nde nagbabago... lol.. hanglabo koh... anyhoo... devaleh bawi ka na lang next year para makaboto koh... nd uhm... yeah daz all for now... laterz.. Godbless!

Anonymous said...

"PAGBABAGO--- Nagsisimula yan sa sarili natin. DISIPLINA ay katumbas din ng Pagbabago. So mas maganda kung ang isisigaw ng tao sa gobyerno ay hindi pagbabago kundi DISIPLINA at ganun din ang tugon ng gobyerno sa tao--DISIPLINAHIN NIYO DIN ANG SARILI NINYO."

~~tamah!! mabuhay ka! mabuhay si ka-renz! iboto sa pag ka presidente! lol =))

pero tama nga naman. tsk!

Nimmy said...

clap clap clap! tama ka dyan ka-renz! tuhmuh! hihi

Renz said...

@BARANGAY LOVE STORIES..TAMA ka jan. hehe

@KIKILABOTZ.may susunod na mga eleksyon pa naman po eh..

@BATANGGALA.salamat hehe alam mo naman na basta mga ganitong isyu eh umiinit ang tenga ko. haha. sa Btemplates.com madaming layouts

@DHIANZ.wow napadalaw ka po ulit dito. Pagbabago din yan! check! haha

@KOX.haha mabuhay yan ang gusto ko pero ayoko maging presidente mahirap masyado. Di ako magaling magenglish. sligh lang :]