Tuesday, October 12, 2010

Boses ng KABATAAN


Muli akong nagbabalik, dito sa lugar na ito at nagsusulat nanaman. Sorry talaga, hindi ko maisingit ngayona ng pagbloblog pero gusto ko lang i-post itong post na ito. Isa din ito sa mga pinagka-abalahan ko ngayong mga araw.

Sneak peak:

"Hindi Kami papayag na maging tambakan ng Basura ang Lungsod Namin!"

Hindi kayo nagkakamali. Pang welga nga yang hawak ko jan sa picture na yan dahil kanina lang eh nakiisa ako, kasama ang ilang mga kamag-aral, guro at mga madre sa school namin, pati ibang mag-aaral sa lungsod namin at mga organisasyon sa lungsod namin para tutulan ULIT ang nasabing pagtatayo ng isang Sanitary landfill dito sa aming lugar. Ay! Hindi pala pagtatayo dahil naitayo na. Nabigo na yung unang beses naming tumutol last year at ngayong taon naman muli kaming tumututol na tanggapin ang basura ng karatig-bayan at pati na ang sa kalakhang maynila. Sa may mismong landfill na kami nagwelga--isang prayer rally.

Sabi nga ng tatay ko, wala daw kaming magagawa diyan dahil isang malaking tao yung may-ari nung landfill na yun. Iba na talaga ang pera. Madaming napapakilos.

Ang sa amin lang naman, paano naman ang susunod na henerasyon kung ang sisilangan nilang lugar ay ISANG BASURAHAN? Ang ganda ng lungsod namin, tapos magiging tambakan lang ng DUMI ng ibang lugar? WTH.

Oo, malayo naman ang bahay namin sa dumpsite na yon pero hindi ang pamilya ko ang concern ko. Paano naman yung mga nakatira sa malapit sa dumpsite? Residential area yun. paano naman yung mga nagtratrabaho doon? hindi maiiwasang mangyari ulit yung sakuna sa payatas. Saka isa pa, paano ang tubig na bumubuhay sa buong lungsod kung malapit iyon sa tambakan ng basura? Anu iinumin ng tao? kulay itim?

Ewan ko. Sana kung may konsensiya lamang ang tao na ito na marami ang maapektuhan sa kaniyang ginagawa, habang maaga pa, TUTULAN na.

Hanggang dito sa blog nagproprotesta ako XD



4 comments:

BatangGala said...

haaaaay!! two years ago, i was at the same situation, holding a banner like that and...and...wait, bat ako nag-i-english?haha:))

ayun, ang masasabi ko lang, ayun nga i've been in that situation, gusto din nilang lagyan ng landfill sa isang place sa cavite,pero tumutol ang mga pipol, sana maging matagumpay ang fight nyo against that said landfill.

"it is a hard truth to swallow, but nature doesnt care if we live or die."

Diamond R said...

sigi ipaglaban mo yan we are all your support.

Anonymous said...

yehey! proud akong sabihin na isa ako sa mga gumawa niang banner este.sa nakiisa sa prayer rally! haha. kahit mas nakakasulasok pa ung amoy ng mga dumi ng aso kesa sa basura ron. haha

Renz said...

@BATANGGALA. Really? so naiintindihan mo din pala ang sitwasyon namin. Sana nga matauhan sila sa gagawin nila.

@DIAMOND R salamat po sa suporta

@BHENIPOTPOT uber sa dami ng tae ng aso dun nuh? grabe pero enjoy yung truck ride natin diba? XD