Thursday, May 20, 2010

I forsee my college life now.

Isang taon na nga lang talaga ang bibilangin at lalabas na ako sa totoong mundo. Hindi lamang makukulong sa isang silid aralan at makikisalamuha sa pare-prehong tao kundi sa mas malawak na mundong aking papasukin, ang buhay kolehiyo.

Busy na nga marahil ang senior year ko sa highschool dahil ngayong bakasyong pa lamang kahit hindi pa ako enrolled for 4th years ay nagiikot na kami sa iba't ibang schools for freshmen admission test forms and hindi lang yon, nagenroll na rin ako for review sa UPCA
T (University of the Philippines College admission test) na sinasabi ng karamihan na uber sa hirap, but I guess nadadaan naman ang lahat ng iyan sa pagaaral so why bother on the thoughts, i-try ko muna even though my parents doesn't like UP as my college training ground.

Sa kasalukuyan, meron na akong isang form for college at sa UP pa lang iyon. I'm fixing my scheds pa para makakuha ng form sa ust, mapua and other schools.

I'm planning
to take Electronics and Communications Engineering for college kasi nga I find it interesting pero kung hindi ito possible eh I will go for Electrical Engineering. basta gusto ko engineer ako. Ayoko naman kasing sundi yung mga sinasabi nilang iba cause hindi naman sila ang magaaral bakit ba.

This is just the start of the real life, and I know I can cope with this. I'm very excited. Mas naeexcite akong magcollege kesa mag fourth year ^^

Here are the logos of the schools I am most interested wi
th :

by the way pa help naman ako if possible ^^

Sunday, May 16, 2010

Gifts!

Gifts?
Awards?

Naging parte ka ba ng buhay blog ko? Kung oo, may gift ako sayo ^^
dahil mag bibirthday na ang blog ko ^^

Soon ^^

Saturday, May 15, 2010

Money Crisis kuno ng kabataan


Three weeks from now eh buhay na buhay nanaman ang mga jeep at tricycle sa lansangan na maglalaman ng mga estudyante, mapa hayskul man, kolehiyo, prep kasama ang nanay o elementarya. Buhay na buhay nanaman ang mga sidewalk vendor na nagbebenda ng fishball, sago't gulaman, palamig, bananacue at kung anu-ano pang cues pati chichiria, pero three weeks pa yon.

Tigang na tigang ngayong bakasyon ang bulsa ng mga kabataang nasa pangkaraniwang antas ng buhay pababa kabilang AKO. Umaasa sa kahit papaano'y pangmeryenda sa hapon na tinitipid pa para lamang pandagdag sa mga gastos ng kabataan. Ang hirap pag bakasyon, walang pera.

Nakakahiyang isipin na pagbakasyon eh burden ako sa mama ko at kay ate na mga financer ng gastos ko. Wala naman silang magagawa kesa naman makita nila ang anak nilang namamalimos sa kalsada. (as if naman) Napakarami ko kasing gastos ngayong bakasyon na ito. Sa kanila ako humihinge ng pera pang outing, pang conferences, pang lakwatsa, pang meryenda, pang audition dance battle sa shop (hindi kasi kaya ng pc namin ang audi poor) at siyempre idagdag pa ang pangunli mga siguro 4 times a week akong may load (buti anjan ang 4438 for my rewards ^^). Ewan ko ba kating kati ang kamay ko pumindot at magtext.

Idagdag pa dito ang major financial problem, ang pangtuition, Jusko po napakamahal ng tuition ko ngayon since graduating ako sa isa pang private school. Nalulula talaga ako sa price, biruin niyo 25k na wala pa libro, so pag sinama eh 30 k na. Napakamahal para sa isang hayskul pero sulit naman kasi talaga namang nagaaral akong mabuti. So dahil nga napakabuti kong anak (insert evil laugh here) at nais ko mabawasan ang gastos eh naghanap ako ng murang paraan ng pagkakaroon ng libro. Minus 5k na din yun nu minus 5k pa ulit dahil sa scholarship ni Pangulong Gloria. Nakipagswap ako ng libro sa schoolmate ko dati na may kapatid na incoming 3rd yr. Ayun libre na libro ko. Mapagtitiyagaan ko pa naman ang third hand na libro eh, makapagaral lang. (palakpakan haha)

Isa pang suliranin na mahirap isolve ng kabataan ngayong bakasyon : ANG BAYARIN SA KURYENTE. Jusko po, wala na akong masasabi dito, tatahimik na lang ako at makikinig sa paulit-ulit na sermon tuwing darating ang bill ng meralco. Eto na lang ang buhay ko pagbakasyon ititigil ko pa?

Di bale 3 weeks na lang, lulusog na ulit ang bulsa ko, hindi na burden sa inyo ang gastos ko ^^ Three weeks na lang mababakante na ang pc dahil sa madalas kong pagbabasa ng libro (weh di nga? ) Sana kayanin haha ^^

Pero magbloblog pa rin naman ako kahit papaano

Wednesday, May 12, 2010

My YFC Life

Anu nga ba yung sinasabi ko palaging YFC YFC na yan mapablog man, o mapaGM, lagi ko daw binabanggit yun parang super attached na daw ako sa YFC na yan, kesyo madaming pinupuntahan. Let me explain to you my organization.

Youth for Christ is under the Family Ministry of Couples for Christ at nagsimula ito noong 1993 as far as I know. Layunin ng org namin na ito na maging makabuluhan ang buhay espirituwal ng isang kabataan hindi lamang sa dasal kundi sa serbisyo. Napakaraming bagay ang matututunan sa YFC promise.

I started to be a part of this family ministry as Kids For Christ. Isinali ako ng ate ko, which is a YFC then, so ayun after nung KFC years ko, nag camp ako as an entry point sa YFC.

May 2-4 2008, nung nagcamp ako. Isinama ako ni ate, and siyempre wala akong kakilala sa mga kasabayan ko magcamp so ayun loner loner ako. Ako kasi yung tipo ng tao na tahimik sa umpisa kasi nakikiramdam pa lang sa mga tao pero pag nakilala niyo na ako at close na tayo ay sabog din naman ako. My first night sa camp na yun ay sobrang boring, wala akong kakilala and naOOP ako sa mga kasama ko. Second day, I enjoyede the other's company at ayun na nga, natapos ang camp, officially naging member na nga ako.

After the camp, active ako sa org na yun. Serve dito sa mga camps camp habang bakasyon pa. Attend ng bondings, meetings, at kung ano-ano pa pero simula nung pasukan nung 2nd year ako, naging YFC na lang ako sa pangalan. Medyo nagstop ako sa pagseserve kasi nahihirapan pa ako ibalance ang YFC at ang studies.

The tragedy happened on October 16, 2008 Lunch that time. Hindi ko na ikukuwento dito siguro masyadong hahaba ang post. That tragedy changed my life. I committed toGod that I will serve HIM after this tragedy.

Bumalik ako sa YFC after months of being a ghost ika nga. I started serving sa camps, covenants, Lord's day, household hanggang makarating ako ng Provinicial conference, sumunod ang regional. Naappoint na din akong leader, hindi lang small time leader kundi big time. Nakaattend na din ako ng international conference, nagseserve pa rin sa camp, naexperience ko na rin mag worship kay God, at ipagsigawan na I LOVE YOU GOD!

I am hooked. I love this community, I love all the things here. Ngayon, mas malaking hamon ang hinaharap ko cause I am appointed as Sector head serving Kids for Christ. (sector head po yung mas mababa ng isang level sa provincial). Malawak na ang hawak ko and I know kaya ko to!

YFC is not just about serving God, ika nga ng iba eh puro alive alive lang. No!. YFC can be a training ground for leadership, friendship, how to be a spaeker, how to build confidence. YFC is not boring kasi nga may Christ sa pangalan, no! I never regret being a member of this organization.

I am a proud YFC, because I love God and I love serving.

May God be Praised!

May video po ako dito nung International Youth Conference. This is made by yours truly dahil wala akong magawa and I so love this community.
Featuring po jan ang YFC Muzon, to where I belong saka po yung ILC Baguio chant
Watch neo na lang po


Tuesday, May 11, 2010

Happy Mother's Day

Dahil sa circumstances na hindi ako nakapagpost nung sunday dahilo ako'y bulakbol eh ngayon ko na ito ipopost. Bakit nga ba ako naglaho nung Sunday? Kasi I attended a camp. Nagfacilitate kami sa kids camp so naghandle kami ng 40 na makukulit at bibong mga bata.

Hindi tungkol dito ang kwento ko. Ito ay tungkol sa aking ulirang mother.

Ang pangalan ng mommy ko ay si Mrs. Leonila Asuncion-Sucaldito. Physically siya yung mukang bunso sa aming pamilya kasi siya lang ang pinakamaliit. Thanks to my dad dahil sa kanya kami nagmanang dalawa ni ate. My mom is very clean. Napaka OC niyang taong yan, yung tipong titiklopin mo na yung damit guguluhin niya pa at titiklupin ulit dahil hindi daw siya satisfied. Ang nanay ko, magaling sa linisan ng bahay, pamamalantsa pero wag mo siayng asahan sa kusina. Buti na lang anjan ang papa ko, chef chefan ng bahay namin.

Ang nanay ko ngrabe yan humalakhak lalo na pagkasama ang mga sisterly niya ( mga tita ko--yan ang tawagan nila, sisterly). Palibhasa nagtratrabaho sa derma clinic eh namaintain niya ang flawlessness niya dahil nagdidiamond peel siya magisa. Ang mom ko ay chubby gaya ko at kamukha ko daw siya. Medyo agree naman ako kasi nga maganda siya at gwapo naman ako (joke) haha.

Kapag nagkakasagutan sila ni papa, si mommy ay napakatalakera pero pag nagalit na si papa asahan mo, napakatahimik niyan. Super sa trabaho yan dahil siya ang breadwinner ng pamilya dahil si papa sa ngayon ay HOUSEBAND kasi may hinihintay siyang kung ano ba yun pa abroad.

What I love with my mom kasi magaling makisama, as in yung katabi lang namin sa jeep ay chinichika pa niya at sobrang love na love kaming dalawang magkapatid. Super weird din itong si mommy kasi kung anu-ano ang inuulan, manggang nilalagyan ng gatas, kanin na may gatas, BAGOONG. yan ang favorite niya.

Ang pinakaayaw ko lang na ugali ng mommy ko eh sobrang talakera minsan to the point na wala naman connect yung iba niyang sinasabi pero ok lang yun. Napagpapasensiyahan ko na rin dahil halos lahgat naman ata ng nanay eh ganon diba?

So kahit hindi ito mababasa nino man na relatives ko, still I would like to greet my mom here.

Mommy,

Happy Mother's day. nung sunday pagkauwi ko ng camp hindi kita masyadong nagreet kasi nga dahil na rin sa pagod at puyat, na kiss lang kita pero para sa akin kulang pa yun para sa lahat ng ginawa mo para sa akin.

Mom, thank you for always being tehre for me, in good time or in bad. In troubles at sa tuwing enrollan at may gastusan ay sa inyo ako kumakapit. Thanks because you're not failing me. Thank you for being a generous mom.

Mom, I know you are not a perfect mom, I do understand that, and I am not a perfect son too and I know you understand it too. Thank you for you patience mom to raise a good and handsome (well joke lang naman) child like me. Thanks for all

Mom, sorry for failing you sometimes at kung nasasagot ko kayo often times. I know naman po na maiintindihan niyo ako.

Thank You for all. I so love you mommy. You're the best among all moms!

Happy Mothers Day!

BURGER!

Eleksyon Kwento ni Renz

March 10, 2010. The day that will change the Philippines for the next years. Judgment day ika nga sa mga kandidato na kung anu-anong pabango na nga ang pinaggagagawa sa pangalan nila para lang maging karapat dapat sa posisyong hinahangad. Pilian na ng mga platapormang inilatag, kung saan mas gaganda ang buhay sa mga susunod na taon.

This election will be a lot different from the past ones. This is the first ever Automated Election in our country. Wow! High tech na nga talaga ngayon. Imbes sa sulat sulat lang at ihuhulog sa kulay dilaw na box eh ngayon shade shade na lang sa bilog sa tabi ng pangalan sa umano'y napakahabang balota na siya mo namang ihuhulog sa isang di umano'y PCOS machine na nakakonek sa malabasurahan sa laking balot box. Iba na din ngayon. Clustered na ang precinct. Kunga ang dating 200 voters sa isang presinto ay naging 800-1000 na. Mabilis na daw ang eleksyon pero parang bumagal lalo dahil sa pagdagsa ng mga tao.

Napakaraming reklamo din ng mga tao ngayong eleksyon, atr mas lalo bago ito. Kesyo madali daw dayain, sira ang mga Memory cards kuno ng PCOS at kung ano-ano pa pero anung nangyari? So far kokonti lang naman ang mga PCOS na pumalya and the counting of the balots ay malapit na matapos. Laking ginhawa ito sa mga teachers na talaga namang hirap na hirap sa kanilang trabaho.

Kahapon, pagkagising ko ay wala ng tao sa bahay. Apat lang kasi kami sa pamilya, mama at papa ko at ang aking ate. Pawang mga botante na sila at maaga daw silang boboto dahil mahaba daw ang pila. Naiingit talaga ako, hindi dahil gusto ko mgashade shade at dahil automated eh dahil sayang at hindi pa umabot ang age ko para makaboto and I want to cast a votre for my leaders. Ang ginawa ko kinuha ko na lang yung sample balot sa bahay at nakishade haha. Bakit ba? masama ba mangarap na bumoboto din ako?

Pagkauwi nila pinakita ko din yung boto ko. How I hope this is for real. Dagdag points din ito kay sir GIBO and sir BINAY at siyempre yung list ko ng senators no pero siyempre wala naman akong magagawa kundi tumutok lang sa tv at matuwa dahil nangunguna sa balota ng bise presidente and gusto kong manalo. Yung may nagawa na. Ika nga ay MAY B . haha

Ikaw sino ang binoto mo?

Let's hope for a leader na may will para baguhin ang bansa hindi lamang ang kanyang sarili. Tara manood na lang tayo ng news.

PS> Sobrang natuwa ako sa hologram ng GMA grabe astig XD

Wednesday, May 5, 2010

who's your favorite blogger, and why?

My favorite blogger?

Medyo mahirap ata ito sagutin pero I'll try. Depende kasi yun sa uri ng blog or kung ano ang ginagawa niya sa blogging world so let me name my favorites..

1. sa uniqueness at creativity ng mga blog post, si PANJO (natuyong tinta ng bolpen) ang lupet kasi nung mga twist sa kwento at talaga namang may bitin factor na kung saan kailangan mong basahin yung kasunod ng kwento niya

2. Batanggala-- dahil natutuwa ako sa post niya at dahil nga ka age kami so ayun nakakatuwa basahin yun posts niya

---2 muna sa ngayon..binigyan mo ako ng idea magpost about my favorite bloggers ^^

Tanong ka lang..

kaano ano mo si jobert sucaldito? tatay mo b siya?

ay grabe naman po ang inyong tanong..
si Jobert Sucaldito po ay kaapilyedo ko lang, at hindi ko kamaganak (ata) at kung kamaganak ko man po siya eh malayong malayo at lalong hindi ko po siya tatay. Reynato Sucaldito is the name of my dad :]

LOL

natawa ako sa tanong. Uncommon kasi ang apilyedo ko eh at talaga namang lahat ay tinatanong yan sa aming magkapatid ^^

Tanong ka lang..

Summer

eto nanaman ang mga nonsense kwento ni Renz ngayong summer.

Grabe to the max ang init ngayong summer dahil sa GLOBAL WARNING. Yan ang sabi ng di ko na matandaan kung sino. Aba nagwawaqrning na din ngayon si Global. teka sino ba si global? Pero talagang nakakaalarm ang init ngayon. Super El niño tapos pagumulan super baha. Iba na talaga ang mundo ngayon. Malapit na kasi ang 2010. ewan ko ba kung maniniwala ako dun o hindi.

So let's continue the talks about summer. Oh yeah summer. I love summer naman kaso wag sana masyadong mainit. What I want this summer is the swimming sessions. I admit, kutong tubig ako kaya once na nagswimming ako eh talaga namang super sulit ang bayad at super sisid ang ginagawa ko at ang kutis, super pula na mabrown na mahapdi.

Kahapon ay nagswimming nanaman kami ng libre dahil sa isang kandidato XD. Ewan ko ba pero humihinge ata ng supporta at nagpapalakas kaya nilibre kami ng swimming. So ayun na nga, sisid dito sisid doon until...

ANU YUN...?

OMG TAE! sigaw nung kasamahan namin sa pambatang pool. (napadaan lang naman kami doon dahil nageexplore kami) Yuck. tae sa pool. XD First time ko makaencounter ng ganitong scenario kaya dali dali akong umahon ng pool at nawalan ng gana XD

Ang isa pang ayoko sa summer eh yung bungangaraw. Ang hapdi hapdi pag napapawisan at hindi mo maiiwasan di mapawisan kaya ang hapdi hapdi niya.

Pero all in all napakasayang summer ngayon, bukod sa sunod sunod na outing eh makakabuluhan naman ang halos lahat sa mga iyon at dahil init na init na ako eh titigilan ko na ang nonesense post na ito. Haha salamat binasa mo :]

Tuesday, May 4, 2010

at dahil eleksyon...

Swimming dito, swimming doon. Handaan dito handaan doon. Grocery dito grocery jan at kung saan saan. Pero ano ba ang koneksiyong ng mga ito sa ikukwento ko ngayon?

Last Saturday, since fiesta dito sa amin nung linggo (akalain mo may fiesta pa dito harhar) eh napagdisisyunan naming maghanda ng kakaunti para sa mga bisita kuno na sinasabi ni madir so dahil nga jan eh naatasan kaming mamalengke ni madir somewhere in Bagong Silang Caloocan. Siyempre may byahe byahe ng kaunti, nagtricycle kami ni madir. Aba into my surprise ha, yung dating malamukang tigyawatin na daan eh nagponds ata o kung anu-anong treatment ang ginawa ant ngayon eh swabe na siyang daanan. Good. napagalaman ko na ginawa pala ito ngayong traon lang. Mga March. Iba na talaga pag mageeleksyon. nagpapabango na ang mga kandidato. Pero after election meron pa kayang ganito? ewan ko lang.

So natapos ang tricycle swabe ride at nagkipagsiksikan kami sa public market pero hindi dun ang tungo namin. Pumunta kami sa grocery para bumili ng rekado sa mga lulututin ni papadir. Kuha dito, ayun after siguro mga 30 mins ng pakikipagsiksikan sa grocery ba yun na uber dami ng tao eh pumila kami ng panibagong 10 mins sa counter at dahil nga sa kainipan at kainitan eh naghintay na lang ako sa after counter para kunin ang plastik ng napabili ni inay.

So malapit sa mga counter ang separate counter para sa bilihan ng mga gatas ng may lumapit na 3 batang alam mong batang kalye na bumibili ng gatas. Nakuha lang nila ang atensyion ko dahil sa pinaguusapan nila.

B1:(sa tindera) Pabili nga po neto (pointing alacta)
(sa B2) anu basa dito (pointing alacta pa rin)
B2: a-----lak----ta
B3: eh magkano yan? (tinuro yung tag price)
B2: edi 45. 50
B1: eh eto (poiting alactamil)
B2: eh pareho lang yan ehh.... ay hindi pala.. a-lac-ta----mil
B3: o cge nga magkano toh (pointing tag price 209.40)
B2: edi one hundred zero nine

Sa totoo lang naawa ako sa bata kasi hirap na hirap talaga siya pero nagstrive talaga siyang basahin yun at naisip ko lang dapat sila yung mas lalong pinagbibigyan ng pansin ng government ngaun diba?

Sa paguwi namin ay madami pang nakitang ibidensiya ng kahirapan ang aking mga mata. Mga batang sagad sa buto ang pagbabanat ng mga buto para makapagtrabaho at para makakain kahit 1 beses lang sa isang araw.

Barely 6 days to go at pipili nanaman tayo ng bagong mga leader. Choose wisely mga botante, para sa aming mga bata na hindi pa makaboboto, please isipin niyo ang makabubuti sa amin. NASA INYO ANG AMING KINABUKASAN.

Vote wisely

Saturday, May 1, 2010

Kung makakaboto lang ako

Naiinggit ako sa kanila kapag ipinagmamalaki nilang botante na sila. Hindi ko naman kasalanan na ipinanganak ako sa taong 1994 kung kaya ay 16 pa lang ako ngayong eleksyon 2010. Ewan ko ba kung anu ang meron sa pagboto at gustong gusto ko bumoto. Hindi naman dahil sa jingle na bilog na hugis itlog. Gusto ko lang bigyang justice ang mga taong guto kong maluklok sa pwesto.

Choosing for the desired leaders is a hard thing to do. Ang daming bases na dapat isipin mo. Kesyo anu ba ang nagawa niya this past years, kung ano ang background niya at ng pamilya niya at kung anu-ano pa. Isama pa natin diyan yung mga kasabihan ng tao na ang pulitika ay napakarumi. Ika pa ng nakakarami eh "CHOOSE THE LESSER EVIL".

Naniniwala ba kayo na hindi lahat ng politiko ay hindi nangungurakot? ako, naniniwala naman ako pero hindi natin masisisi ang ganitong perception ng ibang tao dahil na rin sa mga nasaksihan nating kasinungalingan sa politika.

Habang iniisip ko pa rin kung sino ang gusto ko sanang iboto bilang presidente, pumasok sa isip ko ito.

Kung iboboto ko ang pangulo ng Laban kuno ay parang nagdadalawang isip ako kung anu ang mangyayari sa ating bansa sa loob ng anim na taon. Para kasing hindi pa siya ganung ka ready for the highest position sa politics. Pero we may not know who really he is.

Yung susunod naman na presidentiable, nakakatakot iboto sa dami ng nagastos sa mga politikal ads. Sabi pa niya hindi na daw niya babawiin yon. CHOS. Negosyante siya nu, at ewan ko lang kasi para sa akin babawiin niya iyon kung sakali.

Ang gusto ko talagang iboto ay yoong kandidato ng Sipag at Talino. Sa tingin ko kasi mas madami pa siayng magagawa kaysa sa ibang politiko pero yun nga lang nakatali sa administrasyon kaya medyo alangan pa rin.

Pero kung papipiliin ako sa tatlong nabanggit na presidentiables, pipiliin ko na yung may talino. Yun ang bet ko.

For vice president naman gusto ko yung may nagawa na, tulad nga ng sinasabi sa ads. Para kasing madadala niya sa pwesto kung anu man ang napraktis niya sa kanyang panunungkulan diba?

At siyempre senators at iba pang politiko, hindi ko na sila rereviewhin. Hindi ko naman kasi napagiisipan pa yun.

Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari sa eleksyon at sana manalo yung deserving, may will at yung maaasahan ng bawat Pilipino para sa susunod na anim na taon.