Monday, February 8, 2010

Mahal mo ba talaga ako?

Ang init ng hapon. Kasagsagan ng tirik ng araw, pati ang usapan natin ay sobrang init na rin. Magkakatumpok tayo sa isang sulok ng classroom. Ikaw, ako, at ilang mga kaibigan.

Pilit tayong nagaayos ng gusot sa pagitan nating dalawa. Kinausap na kita dahil nahihirapan na ako. Ayoko ng may tampuhan tayo kaya ginawa ko to.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip mo, bigla mong tinanong... "Mahal mo ba talaga ako?"

Natulala ako sa aking kinauupuan. Yumuko ng saglit at muli siyang tinignan. Di ko napansin tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko.

.."ano kamo? mahal ba kita. (lagok)."

Patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata ko habang sinasabi ko sayo lahat lahat ng nararamdaman ko.

"OO. Mahal na mahal kita. Kahit alam ko na wala namang kahit anong assurance I gave my all to you, not even thinking of how will you return it to me. Masakit. Oo sobrang sakit."

Umalis ako ng room.


--nagising ako. panaginip lang pala. LUHAAN DIN ang mga mata ko.

Related Posts:

  • SELOSSelos- isang salitang nagsasaad ng isang damdaming malungkot. Nararamdaman lamang ito ng isang taong TUNAY na nagmamahal.Maraming nagsasabing mahirap makaramdam ng selos- isa na ako sa mga taong iyan lalung-lalo na kung ang p… Read More
  • Baliw ba ako?Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love lif… Read More
  • FlashbackMinsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong … Read More
  • You are the Moon- by MalfunctioningEto ulit ang panibagong poem ng aking kaibigan na si MALFUNCTIONING na kung maaalala niyo sa entry na Ballpen at Papel, kung saan ipinakilala ko siya.Sana ay magustuhan ninyo ito at magiwan sa inyo ng mga aral.You are the Moo… Read More
  • SanaAng daming kong pangarap na gustong matupad. Sa totoo lang hindi ako nakukuntento kung ano ako ngayon at kung ano ang mga nagyayari sa akin. Kaya obviously, ang entry na to ay about sa mga gustong mangyari, at maging.Sana Dam… Read More