Nagtatakbuhan kami sa hallway dahil nga hinahabol ako ng classmate ko dahil asar talo siya (LOL). Bandang malapit na kami sa covered court ng school eh biglang nakuha ang aking atensyion ng isang babae, nakaupo magisa sa kalakihan ng covered court. Nagiisip magisa. Nakaupo magisa.
"Ito na ang pagkakataon. Lapitan mo na?" Sabi ng classmate kong humahabol sa akin.
"Sino?" Maang-maangan ako.
"Ayun oh, c ...." Sabay turo.
Ako naman dedma lang. Nagisip ako, lalapit ba ako o hindi? So dahil isa akong weak na tao at dahil ayaw mo mag take ng risk ay napagpasyahan kong deretsuhin ang hallway palabas sa campus.
Iniwan ko siya dun. Magisa sa covered court.
Nagtalo ang mga bagay-bagay sa isip ko habang nakasabit sa tricycle papunta sa bahay ng classmate dahil may chibug :D
Ok lang na di ko siya lapitan. Malay mo may hinihintay. Malay mo gusto mapagisa. Saka ano namang gagawin ko dun pag pumunta ako. Tititigan q lang ba siya? Magiging cause of delay pa ako sa mga kasama ko.
Pero dapat pinuntahan ko siya dun. Sayang ang pagkakataon. Nakausap ko sana siya.
Pero para san pa at kakausapin ko siya? interesado ba siya sa sasabihin ko?
Pero pano kung kailangan niya ng makakausap?
Regret. Sana pala pumunta na lang ako.
Naalala ko yung sinabi ng isa kong classmate habang nagseseminar kami sa aming library.
Hanggang ganyan ka na lang ba palagi? Hanggang Kaibigan k na lang ba palagi?
Nasampal ang pagkatao ko sa mga sinabi niya. Ganun na lang ba talaga ako ka weeak at di kayang lumaban? Mas pinili ko pa ang ganitong buhay kaya wala akong magagawa kungi tanggapin ang mga consequences.
I'm a Coward Person.
1 comments:
boss ok.. lng yn..marami pa naman oras..hahah..same tayo mas pinipili ko pah ang passion ko kaysa sa mga ganyan hahah..pero tingin ko coward din cguro ako,..pagdating sa mga ganyan^^
Post a Comment