Wednesday, November 10, 2010

Dedication


Sinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon na essay writting contest ang sasalihan niya so binigyan ko siya ng chance para mapractice ang skills niya. (palusot much XD)

Looking inside our room, slowly setting my eyes to each of my classmates makes me see the faces I would someday want to remember: one of thos
e faces wears eyeglasses and is intact to a tall body of a boy named Louie Renz Asuncion Sucaldito.

He grew from being a bubbly little boy to a clever young man, a young man who is brave enough to face the gruesome realities of life, the young man who is mature enough to settle as the apple of his best friend's eyes and long for nothing more than that. Although I can honestly say that there's a part of him that I can't help but hate, he will always be someone who is remarkable enough to make his way to my precious list of friends for during the times of helplessness, he was always there to cheer me up and though he might be closer to other people, he never failed to give that boosting support everyone of us need.

Through my almost 10 years of being a salettinian, thinking through all those experiences, he never failed to amaze me of all the achievements he keeps on get
ting, it was as if he's a big ball of energy who despite problems thrown to him still finds his way to success. I remember way back when we were sophomores, he broke his arms while playing with his friends. We were seatmates then and I helped him write a few of his notes and seat works; During those days, I saw his eagerness to still learn despite the accident and it was not a surprise to me when he became the smartest in our class during that grading.

Truly, his exemplified perseverance is sure to lead him to success in the near future and I am fortunate to have experienced being with him for quite a while.
It is infact a blessing, that once, a person like him inspired me.

Eto pic ni Vienna, siya nagsulat neto:


Ang cute niya no, parang napopossess lang siya jan pero cute pa rin. XD

Translation ng gawa niya: Ang cute cute cute cute daw ni RENZ :] JOKE

Kung nakaabot kayo sa part na to, maraming salamat sa pagbasa ng boring kong buhay. :]
Actually wala lang talaga akong mablog kaya naisipan kong ilabas na ito sa publiko. First time pa naman na may nagsulat tungkol sa akin at super natouch lang ako.

BTW vienna, kung sakaling maopen mo ang blog mo at mabasa mo ito, super thanks dito :]
DAGS ka talaga :]

Monday, November 8, 2010

Patay



Patay na patay ang utak ko ngayong mga panahong ito. Kailan ba hindi? Lagi ko na lang binablog ang pagkatigang ng utak ko. Kasabay kasi ng buwan na ito kung saan ginunita ang araw ng mga patay eh mukhang patay din ang isip ko at hidni ako makaisip ng isang blog post.

AHA

Since napasok na dito ang usapang patay, let's get it on.

Nung nakaraang week ay inalala natin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod sa sementeryo at sa kung anung pinaglagakan sa kanila. Yung iba naman eh nagtulos na lang ng kandila para sa mga patay nila.

Ika nga nila eh it's better to be late than never. So makikilat
e UNDAS ako.
Yan yung picture ng kandila na sinindihan ko noong undas. Limang maliliit na kandila--limang patay na inaalala.

Unang kandila, inaalala ko lahat ng patay. Yung literal na patay--mga namatay sa sakit, sa katandaan sa aborsyon, sa pagkamartir... Nawa ay sumalangit na ang kanilang mga kaluluwa.

Ikalawa, hindi lamang mga patay na katawan ang pinagtitirikan ko ng kandila. Ito ay para sa mga taong patay na ang konsensiya. Sa lahat ng taong pumapatay. Tandaan niyo, Diyos lamang ang may kakayahang bumawi ng buhay kaya kung kayo ay kumitil ng buhay, nagpaabort o kung anu man, para sa inyo ang kandilang ito.

Ikatlo, para sa patay na sistema ng pamahalaan. Para sa patay na pamamahala. Para sa nagpapatay-patayan at pagtataingang kawali sa daing ng mga tao. Para sa inyo ang kandilang ito.

Ika-apat, Para sa patay at patuloy na pinapatay na kalikasan, para sa halos mamatay na inang kalikasan. Ang kandilang ito ay simbolo na ako ay kaisa ng kalikasan tungo sa pagbabago. Isang ilaw, na pagsinamahan ng iba pa ay magbibigay linaw sa buong mundo at magpapasiglang muli sa inang kalikasan.

Ang huli, para sa ating mga sarili. Sa patuloy na pagpapatay-patayan natin sa pagiging anu na lang ang kaya natin.. Nawa ay mapagliwanag ng kandilang ito ang ating sarili...ang kandila ng pagbabago...ang kandila ng liwanag ng bukas.

Ang dapat, araw-araw ay gawin nating pag-aala-ala sa lahat ng patay sa ating paligid--literal man o hindi.
Tulad ng batang ito-- siya si kat-kat, tatlong taong gulang, batang probinsiya. Anak ng isang kalaro ko dati na medyo may konting pagkukulang sa pag-iisip. Produkto ng karahasan, produkto ng kahalayan. Sana huwag tayong mag patay-patayan. Tulungan nating mabawasan ang mga tulad ni katkat. Matanda man, o bata, may magagawa tayo.

Buhayin ang mga patay! (sounds creepy!)
hoho

Have an inspiring post-Halloween/UNDAS

Saturday, October 30, 2010

Coffee Break


Oh mga ate, mga kuya, lolo, lola, tito, tita pinsan at buong angkan. Magkape na tayo!

Actually di naman talaga ako mahilig sa kape kasi hindi ako sinanay ng mga magulang ko magkape ever since bata pa ako pero umiinom din naman ako ng kape minsan. Feeling ko kasi ang pait ng kape. Siguro hindi lang ako sanay. Buti kung coffee Ice cream yan oh kaya coffee candy gusto ko pa yan.

Anyways, trip ko lang ikwento ang kape dahil nakakita ako kagabe ng kape at pumasok sa ideya ko na magblog ng kape.

Isipin mo, ang kape ay parang tao din diba?

WEIRDO ko nuh.

Hindi lingid sa kaalaman natin na may iba't ibang klase ng kape at sa iba't ibang klase na ito malalasap ang iba't ibang lasa nila. May matapang, may sweet, may 3 in one na, at kung anu-anong klase pa ng kape.

Tulad ng tao, iba-iba din ang taste, may feeling mayaman, may matapang, may 2 in one at kung anu-ano pa. Isipin mo ha, kada tao, iba't iba ang taste sa kape kaya don't worry kung di ka gusto ng taong yun dahil may iba na gusto ka naman. May iba naman na gusto yung kumpleto na sa isa kasi ayaw na mahirapan tumantya-tantya, meron naman iba na gusto sila ang tatantya para mas makuha nila ang sarap na inaasam nila.

Isa pa, Tulad ng KAPE, ang tao din ay BITTER. Iba't ibang level nga lang ng bitterness. May sobrang bitter, may kunwaring bitter, may bitter-bitteran at kahit anung klaseng bitter ka man, I therefore conclude na lahat ng tao may sari-sariling bitterness. Wuu lusot mga bitter jan oh :)))

Isa pa, ang kape ay masarap din inumin pag may kakwentuhan. Nawawala ang pait nito pagpinagsasaluhan sa isang hapag kasama ang kaibigan. Ika nga eh share your BITTERNESS. HAHA

Sabe nga sa isang commercial ng kape, PARA SAAN KA BUMABANGON? Ibig sabihin, tulad ng pagkakape ang buhay din ay may rason. Nasasaiyo na yun kung ano ba ang rason mo. Kung gusto mo magpakabitter gaya ng kape or what so ever.

At dahil wala lang akong mapost, magkakape na lang ako :]

Wednesday, October 27, 2010

Tuesday, October 26, 2010

Pagbabago


Pagbabago...

Sabi nga sa nakaraang post ko eh walang permanente kundi pagbabago. At obviously bago din ang lay-out ko dahil gusto ko ng pagbabago. Kasabay din ng pagbabago ng layout na ito ay ang pagbabago ng background music dito sa blog ko. At bago nga pala ako magkwento eh gusto ko po ipaalam na tinanggal ko lahat ng widgets ko dati--ibig sabihin lahat ng nawala sa blogroll ko feel free to message me at my chatbox. I'll link you back. Sorry. Need lang eh. Nagloloko kasi ang itsura kaya nireset all ko.

Anyways, Pagbabago. Pagbabago.

Kanina, naglalaba ang aking tatay ng punda ng unan at nung mag-aalmirol na siya eh sabi niya hindi raw siya makahanap ng gawgaw. sabi ko naman ng walang halong biro "Bakit walang gawgaw? nageleksyon lang nawalan na ng gawgaw sa mga tindahan?" Honestly seryoso ako pagkasabi ko niyan. saka lang nag-sink-in sa utak ko na nakakatawa pala yung sinabi ko matapos mag-sitawa ng buong pamilya ko.

Kaya pala walang gawgaw kasi daw konti na lang daw ang gumagamit nun ngayon. oo nga naman nuh?

Since napasok na ang eleksyon, let me connect na rin ito.

Lahat ng tao gusto ng pagbabago. Sino ba naman ang ayaw diba? At sa kagustuhang ito, ginagawa ng mga tao na magrally at kung anu-anong protesta. Ang tanong may ginawa ka ba para makamit yung pagbabago na yun?

Kahapon? Bumoto ka ba ng bagong barangay at SK leaders ninyo? Ako kasi hindi ako nakapagparegister sa SK. tatakbo pa naman sana akong chairman XD. Anyways, since hindi ako nakaboto, wala akong karapatang magreklamo diba?

Ang hirap naman sa ating mga tao, binigyan na nga tayo ng chance para BAGUHIN eh tinamad pa tayo pumunta at magsakripisyo ng kaunting oras para sa bukas. Kesyo walang pamasahe at tinatamad. Paano naman aandar ang bukas kung ikaw mismo ayaw magsakripisyo ng 10 piso pamasahe? Paano naman sisipagin ang bukas na gumanda kung ngayon pa lang botohan ay tinatamad ka na?

Diba? Isipin niyo, tayong mga tayo ang nagkakanda-labas ang litid sa pagsigaw ng pagbabago pero mismong mga bilbil natin ang lumalaki sa kakaupo na lamang at hindi pag gawa ng aksyon?

SIGE MAGREKLAMO KAYONG HINDI BUMOTO. Ang kapal na ng mukha natin nun kahit na sabihin pang demokratikong bansa ang Pilipinas.

Sa susunod na eleksyon siguro naman lagpas 18 na ako nun so boboto na ako. Atlest pag ganun diba pwede na akong magreklamo bottomless kung sakaling mali ang pamamalakad ng gobyernong ibinoto ko diba?

so much affected lang naman ako kasi sayang ang boto eh. :]

PAGBABAGO--- Nagsisimula yan sa sarili natin. DISIPLINA ay katumbas din ng Pagbabago. So mas maganda kung ang isisigaw ng tao sa gobyerno ay hindi pagbabago kundi DISIPLINA at ganun din ang tugon ng gobyerno sa tao--DISIPLINAHIN NIYO DIN ANG SARILI NINYO.

Monday, October 25, 2010

Virus Infected

Buti na lang sembreak na. Bakasyon na kahit isang linggo lang.
At gaya ng pagkavirus ng cellphone ko eh navirusan din ang gumagamit nito--ako.

SORE EYES! Ohe men.

Actually, si ate ang unang nagkasore eyes sa pamilya namen the night befor I go to subic at bago magpunta ng Galera si Mami. sabi pa nga namen buti aalis kami at makakaiwas kami. At ngayon paguwi namen eh pareho kaming may sore eyes.

Sabi nung iba kong classmates na nagkasoreeyes na hindi naman daw masakit. Sabi ko ngayon medyo masakit siya. Mahapdi sa mata, pagkagising mo sa umaga di ka makadilat sa dami ng muta at pagyumuyuko ka parang malalaglag yung mata mo plus medyo sisingkit siya ng konti at para kang sabog.

Eto, nagsearch ako ng ilang infos about sa sore eyes pati kung paano to maiiwasan para naman sa inyo. Mahirap magkasore eyes.!

What is sore eyes?
Sore eyes is a common term for an inflammation of the thin covering of the eyeball and the inner eyelid brought about by a viral infection which may be highly contagious.

What are the signs and symptoms of sore eyes?
* Redness of the eye
* Eye discomfort describing as burning or gritty but not sharp
* Vision is usually normal although smearing particular in waking, maybe common.
* Pain on the eye on exposure to light
* Water-like discharge commonly seen but later eyes maybe difficult to open in the morning, glued together
* Runny nose and sore throat maybe present

How do you prevent sore eyes?
* Wash hands frequently and thoroughly with soap and water.
* Do not touch your eyes and face without washing your hands.
* Do not share towels, eyeglasses/ shades and make up.
* Do not reuse handkerchiefs (using a tissue is best).
* Used make-up must be thrown away if the patient has been diagnosed with infectious conjunctivitis.
* Be careful that tips of eye drops or ointments do not touch the eyes or eyelashes.
* Don’t swim (some bacteria and viruses can be spread in the water).
* Avoid shaking hands.
* Disinfect surfaces, doorknobs, counters, elevator buttons, hand rails with dilute bleach solution.
Clothes, towels, pillow cases and anything else which may have come in contact with an infected person should be washed.
What should patients with sore eyes do?
* Frequently wash hands with soap and water.
* Use clean tissue to remove discharge from eyes and wash hands afterwards.
* Dispose used tissue in garbage bins. If the latter is not available, keep tissue in a small plastic bag then discard it as soon as you find a garbage bin.
* To prevent irritation of the eye and possible scarring, do not use contact lens while one has sore eyes.
* Do not wear eye make-up until the problem has been resolved.
* Warm compress may be helpful to relieve discomfort and remove "crust."
* Use antibiotic or antiviral medication only upon prescription by the doctor.
* If drops or an ointment is prescribed, the applicator tip and infected eye must never come in contact with each other.
* Especially for persons with sore eyes with runny nose or cough, stay in a separate room or away from other family members or co-workers.

Source: click me

Basa na lang kayo jan

Wednesday, October 20, 2010

Permanente

Sisikat ang araw pero sa gabi ay lulubog din ito.
Bibili ka ng isang bagay pero mauubos at mauubos din ito.
Ang ilaw ay napupundi rin, ang tsinelas ay napupudpod rin.
Ang buhok, napapanot, pumuputi.
Ang dahon, nalalagas, nalalaglag.
Ang bulaklak ay nalalanta.

Ang oras ay dumadaan...
Ang pasensiya ay nauubos.

WALANG PERMANENTE sa mundong ito kundi pagbabago.

Sa pagdaan ng mga araw, napansin ko na unti-unti akong nagbabago. Bukod sa mga pisikal na pagbabago, nandidiyan na rin ang pagbabago sa pag-iisip, sa mga trip sa buhay.
Minsan trip ko magpakasaya ng sobra-sobrang saya. Minsan gusto ko magmukmok sa isang sulok, isalpak ang earphones sa aking tenga at ipikit ang mga mata kasabay ng tugtog na nangingibabaw sa aking mundo na walang makakaistorbo.

Bakit ba kasi ang haba ng pasensiya ko?
Bakit ba kasi hinahayaan ko na lang gumulong ang oras at hindi ako gumagawa ng pagbabago?

Acceptance.

Yan ang sagot diba? Alam ko, pero ako mismo hindi ko maispelling sa sarili kong buhay kung ano ang acceptance.

Ang sugat, naghihilom din.

Siyett namimiss ko na yung cellphone ko. Nasira siya . Tsk. Hindi ko matanggap na wala akong cellphone sa sabado pagpunta ko sa Subic. Paano na yung mga pictures? HUHU.
Sinasayang ko ang oras, hindi ko siya agad napagawa. Huli na ang lahat.

(sorry, umemo slight.)

:))

Miss you all guys!