Tuesday, September 21, 2010

Contest lang, walang personalan.

PAUNAWA
(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyong malawak na pang-unawa. Salamat)

Sa buhay ng pagsali sa mga patimpalak, may magagaling, may hindi. May mapanggulat, may normal lang. May praktisado, may nagkakalat. Higit sa lahat, may nananalo at natatatalo.

Ilang beses ko ba kailangan i-post ang ganitong klase ng blog entry? Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Laging may aberya. Laging may nakakabangga. Laging may nagagalit. Kung hindi kami, sila. Ganun na ba talaga ang mga pinoy? Hindi na nakuntento sa resulta. Tulad na lang sa loob ng classroom, pag walang ginagawa nagagalit. Pag masyadong madaming ginagawa nagagalit pa rin. Siguro kaugalian na talaga yan ng mga Pinoy.

Ayaw ko na sanang magpost pa tungkol dito dahil alam ko maraming masasaktan, lalung-lalo na kayo (sorry po). Pero ayoko din naman na basta na lamang tanggapin lahat ng feedback na maaaring marinig ko at basta na lang dedmahin lahat iyon. Medyo unfair din naman para sa amin yun kung pagbabasihan ang freedom of speech namin.

Kung sa husay at koordinasyon at kung anumang kriterya na mauugnay sa galing, aaminin ko, bilib talaga ako sa kakayahan ng aming kalaban. Napakahusay ng pagkakagawa ng kanilang sayaw, mula sa entrance, sa pagtakbo, sa formation, sa BEAT at sa lahat. Hindi ko nga ineexpect na kami pa ang makapaguuwi ng papremyo noong araw na iyon dahil alam naman namin sa sarili namin na walang panama ang sarili naming production number sa kanila. Simple lang na ethnic dance ang samin with the touch of modern. Ni walang ka beat beat, ni walang gaanong audience impact na narinig, ni walang buhay ang audience habang sumasayaw kami.

Kung sasabihin man po ninyo na pinagbigyan dahil 4th yr na kami at paalis na kami sa school na yon, kung ito man talaga ang dahilan ng pagkapanalo namin, mas gugustuhin ko pa na huwag na lang manalo. Katulad ng kalaban namin, ilang linggo din kaming naghanda para sa laban na iyon. Ilang linggo na rin kaming nagtitiis tulad nila. Hindi naman po siguro tama na sabihing paalis na sila kaya pinagbibigyan. Masakit din sa loob namin dahil nageffort din kami pero alam ko na MAS nag effort kayo kaysa sa amin.

Lumaban kami dahil may kagustuhan kaming manalo pero hindi naman inaasam ang pinakataas o ang number 1. Gusto lang namin na enjoyin ang mga nalalabi pang araw namin sa eskwelahan. Kung nasaktan man po kayo sa naging desisyon ng mga hurado, eh hindi po ako humihingi ng tawad dahil wala naman kaming kinalaman sa pagkapanalo namin. Hindi ko rin sinisisi ang mga hurado sa nangyaring ito. Hayaan na natin sila. Ang mahalaga, nagperform kami, at nagenjoy kami. Wala ng sisihan. Tapos na. There's no other way but forward. Ika nga sa physics eh mag accelerate ka, or mag free fall ka downwards. Let's all learn from this.

Friday, September 17, 2010

Ang babaeng mukang lalake XD



Nacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hindi ko siya crush or what so ever love na sinasabi ninyo. Super duper close friends lang kami dahil na rin siguro sa tagal ng pinagsamahan namin. Mantakin mo, grade 1 pa ako nagsimulang maumay sa mukha niya. JOKE. Camz, peace. Di bale, babawi na lang ako.

Tentenenenen..

Siya po si Camille Jane M. Salvador, obviously isa po siyang babae. Babaeng parang lalaki. Proud siya pag tinatawag siyang ganyan. Kakaiba kasi siya sa ibang girls na super pademure. Siya hindi naman super. medyo lang at medyo malakas din siya. Isa siyang amazona. JOKE. Siya po ay kasing hinhin ni Maria Clara na di makabasag pinggan, super OC at super bugnutin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Super bugnitin yan ni Camz. Yung tipong maya-maya lang nakatawa siya. Paglingap mo lang ng isang minuto umiiyak na. Napaka moody niya din at may explanation siya sa akin kung bakit siya moody. Gusto niyo ba malaman?

"Moody ako kasi Capricorn ako..."

Totoo ba na moody ang mga capricorns? O talaga lang sobra ang pananalig niya sa ganoong mga bagay? Sabi pa niya, nakuha niya daw itong impormasyon sa isa pa niyang close friend na classmate namin na si R.A na batikang horoscoper. May ganun ba? Ah basta, malakas ang pananalig niya dun. XD

Si Camille, ang babaeng laging basa--basa pag umuulan. Kasi naman, walk trip ang hanap niya tuwing hapon, rain or shine dahil daw super nagtitipid siya para sa pasko raw ay madami siyang wawaldasin. makes sense diba? Para siyang langgam no, napakasipag kaya ayun dinadamay pa ako sa kanyang paglalakad. Ako naman pumapayag. Bawas taba din yun. Slightly antaba ko na kasi eh :)

Si Camille, ang babaeng NBSB as far as I know at sa sinasabi niya sa akin. Ewan ko ba diyan napakamartir kasi, gusto lagi siya nasasaktan. EHEM XD

Si Camille ang number 1 heart doctor ko. Alam niyo ba, madaming alam yan sa pag-ibig kahit NBSB yan. Mahilig kasi sa mga teledrama. Hanep na yan, sa buhay ko sinampol lahat ng tips na nakukuha sa tv, ayun effective naman siya.

At eto pa, alam niyo ba crush ako ni Camille. JOKE XD Pero totoo po ito. Nung grade 1 kami, dikit ng dikit sakin XD (assuming) Wala na kasi ako masabi.

Oh eto, umayan nanaman
:)
Pwede daw po siya maging GF. (aw nambugaw pa ako XD) Joke lang ho ito.
Camz, Thanks sa lahat. Hanggang sa muli :) Dalaw ka dito sa bahay libre kita pansit canton at RC XD


Tuesday, September 14, 2010

untitled

I blog to express. Not to impress.


wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue, sore eyes, at kung anu-anong sakit, pati sakit ng katawan pwede na rin. Sa gitna ng mga damong pinuputol ng maintenance sa school. Sa gitna ng lamesang pinagsulatan ko nito. Eto na, eto na, walang kokontra.

Pagkatapos niyo pala basahin kayo na magbigay ng title, wala akong maisip kasi napagtripan ko lang naman talaga ito isulat sa 5 minutes ng buhay ko XD.

Untitled

Buhay, O buhay
Punum-puno ka ng kulay
Kasiglahan mong taglay
Sagot sa aking pagtagulaylay

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

Tubig, O tubig
Buka ka ng aking bibig
Ikaw ang aking ibig
Ikaw ang buhay ko, O tubig

Bolpen na aking panulat
Ikaw sa akin ay nagmulat
Ikaw sa kanila'y gumulat
sa mga likha ko na ikaw ang pinanulat

Tama na nga itong kahangalan
gasgas na ang aking pangalan
ano nga ba ang inyong kasalanan?
nadawit pa kayo sa aking kahangalan.

Ang corny no, pero tulad nga ng nakalagay sa pinakataas, I Write to express, not to impress. Maimpress man kayo o hindi ayos lang.

(muka akong tanga ngayon. Sabog na sabog ako)


LORD LET ME SURPASS THESE

Friday, September 10, 2010

Pinoy Henyo



Ok. it's been six months, eight days, twelve hours since you went away. Ay mali, it's been a while since my last blog post. Nakakatigang kasi this past few days eh, alam mo naman, super busy pala talaga pag senior ka, puro kami kami nAdd Imagea lang ang bahala sa sarili namin pag may practice what so ever, wala ng tulong mula sa teacher maliban sa technical ones. Ayun so in short medyo napapagod lang ako ilang araw na kasing sayaw ng sayaw ng ethnic dance kuno na pang mangyan at naglalaro ng kung anu-ano- badminton, volleybal, BASKETBALL. oo bastketball. Kahit hindi talaga ako naglalaro nun eh naglaro pa rin ako.

Any ways it's not the topic for this entry.

So guys, wala lang, may gusto lang ako ipakilala sa inyong tao. I'm sure hindi niyo siya kilala kaya nga ipapakilala ko siya sa inyo.

Tao ba ito?

HMMM tao siya. Isa siyang babae. babaeng nakakatuwa at babaeng super kwela. Kilala siya sa tawang maton na HOHOHOHO. kahit babae siya ganyan siya tumawa, turn off ba? Hindi naman, pag narinig mo matatawa ka na din.

Kilala mo na ba? kung hindi pa eto ang mukha niya :))
pero joke lang, hindi talaga siya yan :)) kasing katawan lang niya XD (arrgh XD)

eto na talaga ang tunay. wait :))

Ehem, ehem, ladies and gentlemen (insert drum roll here) Si Miss Fatima Rivas.

Actually, wala na talaga akong mablog and dahil sa tao na ito kaya ako nagbloblog ngayon.

Teka, nagtataka na siguro kayto kung sino ba namang tao yang nakikita niya sa pc ninyo. Ahm, siya ang adviser ko last year, I mean adviser na kapatid na nanay and the like. I super love this person sa mga aspeto na hindi maipaliwanag pero may mga pagkakataon naman na nakakatakot siya lapitan kasi may kakaiba din sa kanyang aura. in short, nakakatakot siya kasi may pagkapranka siya.

Kung hindi niyo natatanong, dahil din sa tao na ito kaya ako nagstart magblog. I mean isa siya sa mga impluwensiya dahil sa pinapasearch niya samin na piece dati at sa isang blogspot ko lang nahanap kaya ayun gumawa ako ng account at doon sinilang ang blog kong ito.

Siya yung teacher na gustong-gusto kaming nakikitang kinakabahan, dala dala ang isang podium. Mantakin mo, yung podium sa gym ng school namin dadalhin pa sa room niyo para sa speech at para mapressure din kayo, oh diba?

As far as I can observe, talentado din itong tao na ito, (AHAHA) lalung-lalo na sayaw sayaw na yan. Andami niyang ideas na bago. Yun nga ang namimiss ko sa kanya kasi hindi na siya yung nagtuturo sa amin kasi di na namin siya adviser.

Siya din yung tipo ng tao na pagkasama mo sa swimming pool eh sasabihin sayo "Louie langoy ka sasakay ako sa likod mo". Oh diba? Tuwang tuwa na siya noon. XD (Miss fat marunong ka nga ba lumangoy)

Siya din ang tao at tanging taong nakapagsabi sa akin ng "
reading ur blog is part of my lifestyle now!haha."

Dear Miss fat,

Sorry, eto lang ang walang kwenta mong mababasa ngayon. Tulad nga ng sinabi ko sa yo ilang minuto lang nag nakararaan, natitigang talaga ako ngayon in terms of blog composing. pero dahil ayaw kitang biguin, pagtyagaan na lang. Next time na babawi. :))

Dear other blog readers,

Pasensiya na :)) next time na talaga :)) eenjoyin ko muna intrams sa school namin :)) Magbabalik ako

:))



Saturday, September 4, 2010

Inconsistency

Ako yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve. Tanggap ng tanggap ng opportunities, sometimes FAILED, tapos magmumukmok at magsisisi.

Opportunities knocks only once. Ikaw nga eh pag dumaan na, sunggab na. Baka di na babalik yun or kung bumalik man at makita mo man ulit, may iba na na nakahawak dito. Grab lang ng grab, hanggang kaya mo. Pero ngayon natuto ako sobrang hirap din ng grab ng grab ng mga opportunities.

I admit, Grab ako ng grab ng opportunity. Gusto ko naman kasi yung mga bagay na ginagawa ko na yun pero ang mahirap lang eh pag nagkasabay-sabay silang lahat, ewan ko ang hirap pumili. Ang sakit sa pakiramdam. (Emo lang konti :)) ). Ako kasi yung tao na medyo may pagkaperfectionist. Ayokong tumanggi kung maaari lang dahil sa tingin ko pag tumanggi ako, isa akong weak at walang kwentang tao. Nahihiya ako humindi. Yan ang isang factor kung kaya grab ako ng grab pero mas malaking percentage pa rin naman ang sincerity at desrire sa mga desisyon na iyon.

TIme Management. Yan ang magandang solusyon sa problemang iyan. Hatiin ang oras. Bigyang importansya ang bawat segundo na ilalaan sa isang bagay. Ang buhay sa mundo ay minsan lamang kaya dapat huwag sayangin diba?

Sa kabilang banda, medyo umayos na ang mga conflicts ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon bilang estudyante pero may feeling of failure pa rin akong nararamdaman kasi ewan.. Hindi maipaliwanag.

Tip ko lang: Mag-isip muna bago gumawa ng desisyon. Yun lang naman ang importante dito sa post na ito. :)

Have a nice day!

Monday, August 30, 2010

1 Grading Down. 3 to go.

Kahapon, kinuha na namin ang card namin for first grading at dahil doon, eh naeexcite nanaman ang aking nanay na malaman kung ano ang rank ng kanyang anak. Lage na lang sila nageexpect na makakasama ako sa rank at dahil ayaw ko naman silang biguin eh ginagawa ko pa rin lahat ng makakaya ko para lang hindi sila madisappoint.

I ranked 3 among 65 seniors sa school namin. It's not bad. I mean masaya na ako para doon pero they keep on telling me na kaya mo pa yan habulin. 88.92 ka, yung top 2 eh 88.94. Kaya mo pa yan. Wag ka na dapat mawala sa rank mo. PRESSURES.

I just told them last night, "It's not about the grades naman. it's about the learnings". I admit, Medyo nakakapressure sila dahil mataas ang expectations nila sa akin dahil kinocompare ako sa ate ko na consistent top 1 nung hs siya. Ang sakin lang, ayos na din ang rank ko. Ang mahalaga natututo din naman ako.

Alam din naman ng top 1 at 2 ang f(x), domain at range? Ganun din ang Free Fall at Projectile motion? Pare-pareho din naman kaming nagimpromptu speech sa english, pare-parehong nag rerecite, nakikinig at naglilibang. It's ok. Pare-pareho naman kaming natututo. Hindi na din masama diba?

pero kung papalarin, at makakaangat pa eh Thanks God. Kung hindi naman, Thanks God pa rin. Sabi nga sa Gospel kahapon, "Ang mga nagpapakababa at itataas at ang mga nagpapakataas ay siyang ibababa"

OK. Ganito na lang. LUKEANS let the healthy competition begin :)

Saturday, August 28, 2010

Linggo ng Wika 2010

Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung anu ba ang iyong mga naging pagkukulang.

Sa buhay, hindi kailangan na perpekto ka. Ang perpektong tao ay katulad din ng walang alam--walang alam kung hindi ang tama. Walang alam kung hindi pilitin ang sarili na maging tama. Ang labas-- pagiging mayabang.

Tulad na rin halimbawa si Miss Universe 2010 4th Runner up Maria Venus Raj sa kanyang "MAJOR MAJOR..THANK YOU THANK YOU" na banat. Hindi man niya naiuwi ang pinaka-korona, natuto naman siya sa kanyang pagkakamali diba? Ang maganda pa doon, hindi siya napipikon dahil tanggap niya na ang pagkakamali na iyon ay normal.

(*Ang haba ng intro.. Sige na kwento na ako.)

Noong last July, kami ang nanalo sa Nutri-Jingle competition sa school namin, maging ang mascot making. Sobrang naghanda talaga kami noon. Kahapon naman, may isa nanamang kompetisyon sa school namin, ang SABAYANG BIGKAS.

Kung tutuusin, sobrang kulang ang oras namin magpractice. Hindi kami pinapayagang magpractice tuwing may klase kaiba sa mga kalaban namin sa mga lower years. Madami pa kaming ginagawa, lesson plans, CAT etc. Pero kahit ganoon na nga ang nangyari eh nagawa pa rin naming makapagtanghal.

Inaamin ko, hindi namin makukuha ang title ngayon bilang panalo kasi alam ko na gahol kami sa oras. Mismong araw na nga ng kompetisyon eh hindi pa namin tapos ang sabayang bigkas namin pero naging masaya naman kami.

Iyon naman ang mahalaga diba? Ang pagiging masaya sa bawat ginagawa mo, maging panalo man o talo, basta'y sama-sama at masaya, solve na.

Dahil dito sa nangyaring kompetisyon na ito na medyo nagkalat kami ng kaunti, natuto kami. Natuto kaming magpahalaga sa oras at bigyang importansya ang bawat bagay na gagawin namin. Iyon naman ang kailangan. Aanhin niyo ang napakaraming parangal kung wala kayong natututunan?

Basta, kahit anu man ang maging resulta, mahal ko pa rin kayo LUKEANS :]

Enjoyin na lang natin ang mga susunod na buwan. saglit na lang, madidischarge na tayo sa high school :)