Sunday, August 15, 2010

Pananaw ukol sa Pag-ibig

LOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tula ko. (eto yung pinasa ko sa filipino subject namin.)

Pananaw ukol sa Pag-ibig
-Louie Renz A. Sucaldito

Minsan sa punto ng ating mga buhay
ay may isang taong magbibigay kulay
ang taong magmamahal sa'yo ng tunay
at taong papawi ng 'yong pagkalumbay.

Sa Pag-ibig dapat tayo'y maging tapat
Magmahal ng tunay ay ang gawin dapat
Mga bituin sa langit ay di sasapat
sa pag-ibig ay walang makatatapat

Dagat pati lupa, lahat tatawirin
Gubat man o bundok, tiyak tatahakin
Lindol man o bagyo, lahat hahamakin
Ganyan ang pag-ibig, sadyang mapang-angkin.

Kaya pag-ibig 'wag nating sayangin
Pagmamahalan ay ating payabungin
Respeto't katapatan, dapat linangin
Madaming taon ang siyang bibilangin.

Sana po ay nagustuhan niyo :)


Friday, August 13, 2010

Alamat ng bloggerong si RENZ

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. Sa isang taong paglalathala ng mga kwento na minsan ay walang kwenta dito sa blogosperyo naisip ko na may hilig na pala ako sa mga storya simula pa dati.

Grade three ako noong una akong nagtry gumawa ng mga kwento. Kwentong walang kwenta at puro kalokohan lamang. Ilan sa mga nagawa ko ay patungkol sa mga classmates ko tulad ng "Ang Alamat ng VIENNA Sausage" na patungkol sa classmate ko na si Vienna. Iba pa sa mga ginawa kong mga kwento ay "Tonton Maton" na tungkol sa classmate ko na si Anthony at ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang kwento hango sa adventure game namin sa school, "ANG ALAMAT NG MULAWIN" Sayang hindi ko na makita yung mga kopya ko neto ang saya sana ilagay dito sa blogosperyo yun.

Grade 4 ako nung na meet ko ang sulatin pangwakas at formal theme. Dito marahil nagsimula madeveleop ang aking hilig sa pagsusulat kahit hindi masyadong kagalingan eh atleast nagsusulat pa rin para matuwa at the same time makaentertain. Kinakareer ko noon ang bawat formal theme. Sinasaid ang tinta ng bolpen-- ganyan ko mailalarawan kung gaano ako kahayok magsulat noon kahit masakit sa kamay sige lang. Buti ngayon pa pindot-pindot na lang dito sa tapat ng pc.

3rd year High School, nagdecide na akong maggawa ng blog. Una kong blog ay isang private blog ng kaemohan ko, puro hinanakit. Naipost ko na naman ang isa dito sa blog pero sige i-popost ko na din yung iba kasi nga past is past na (kung may past :)) )

Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo ba dapat ko pang ituloy ang paglalathala o itigil na lang? wala lang.. wala kasi akong maipost.. TSSS TIGANG na TIGANG ang blog ko ngayon.

Anyways I believe na balang araw eh mas magiging successful ako sa blogging career ko, makakabili ako ng sarili kong domain o malay natin makapaglathala ako ng mga libro :))

At dito na nagtatapos ang walang kwentang kwento :))
(nawala ako sa focus pagdating sa gitna kaya ang gara ng post ko ngayon :)) bawi na lang :)) )

Monday, August 9, 2010

I survived UPCAT


August 07, 2010, 12:30 PM, Malcolm Hall (College of Law) University of the Philippines, Diliman, Quezon City...

Yan ang nakalagay sa aking test permit kung saan yan ang schedule ko ng pagtatake ng University of the Philippines College Admission Test o mas kilala sa tawag na UPCAT. Dito, libo-libong mga pangarap ang pilit na binibigyang kasagutan-- mga pangarap na makapag-aral sa dekalidad na eskwelahan na medyo may kababaan ang matrikula kumpara sa ibang mga unibersidad. Saksi ang aking mga mata sa libo-libong pangarap na iyon, dahil ako ay isa din sa kanila.

1st Campus: University of the Philippines, Diliman
BS Electronics and Communications Engineering

2nd Campus: University of the Philippines, Los Baños
BS Civil Engineering

Yan ang mga courses at campuses na pinili ko at handa kong tahakin pagnakapasok ako sa UP. Puro math daw pero kahit na mahirap,makikipagkaibigan ako sa mga numbers para sa inyo :))

Balik sa UPCAT..

Three Months ata ako nagprepare for UPCAT, simula sa pageenroll sa isang review center na ang focus talaga ay UPCAT, hanggang sa pakikisawsaw sa mga modules ng classmates ko at pagsesearch pa ng ibang modules sa net na makakatulong para makadagdag ng kaalaman sa akin at nung sabado nga ay natuldukan na ang lahatng ito.

Alas dies, kasama ko ang aking tatay, ay umalis kami sa aming bahay dito sa Bulacan patungong Diliman. Mainit pa noon ang panahon pero may baon akong jacket. Malamig daw kasi sa testing centers kaya pinagdala ako. (based sa experience ni ate). Ilang traffic din ang inabot ko habang binabagtas ang daan. Pagdating ko sa loob ng UP traffic pa din? Grabe ang daming tao halos hindi na gumagalaw ang mga jeep at nang-gagalaiti na ang mga driver bukambibig ang "IIsa lang naman kasi nagkokotse pa..!"

Dumating ako sa testing center ko, medyo kabado ng kaunti, kinuha ko ang permit ko sa bag, kasama ang paper bag na pinaglagyan ko ng baon na chicken sandwich at fresh citrus juice na kakapiga lamang bago kami umalis ng bahay. Kasama din sa paper bag ko ang isang tissue (pinabaunan ako ng ate ko in case of emergency daw :)) ), tatlong BLESSED mongol 2 pencils, Faber Castle na pambura, pantasa na kulay red at towel na blue. Nakipila ako sa dagat ng mga tao, hinanap ko ang dulo ng pila, naknangpucha ang haba pala ng pila pero ok lang nakipila pa rin ako.

eto yung picture: (pinicturan ako ng mga classmate ko na kakalabas lang sa testing center ko dahil morning session sila)

Todo smile pa ako diyan LOL at wala po akong kaugnayan sa babae sa harapan :)) isa lang din siyang nangangarap makapasa sa UPCAT :))

Ayun kita sa picture na madilim, kumulimlim na kasi uulan na niyan tapos ayun yung jacket ko na white at yung paper bag ko na puro pagkain.

Pagpasok ko sa hall, medyo relaxed naman ako ng konti. Siguro dala na din ng pagkondisyon ko hindi lamang ng utak kundi pati puso na mageexam ako kaya ayun hindi ako masyadong tensiyonado. Ilang minutong pumila, tapos pumasok na kami sa loob ng isang malaking room. ANG GANDA NG ROOM. Feeling ko nasa courtroom ako kasi nga college of law yung testing center ko. Centralized aircon pa, yan ang tinatawag na public school. Mukhang hindi naman public.

Instructions, Precautions, ilang sessions ng inhale exhale, isama ang dasal at motivation sa sarili, at nagsimula na ang UPCAT. Ang UPCAT pala ay isang exam na nahahati sa apat na parts, Language Proficiency na 85 items for 50 minutes, Science Proficiency na 60 items for 50 minutes, Math proficiency na 60 items ata for 1 hour and 15 minutes and lastly Reading Comprehension na 90 items for 1 hour and 10 minutes lang. Kung tutuusin time pressured ang exam pero thanks God kasi nasagutan ko naman lahat sila at konti lang ang pasadya kong blanks (dahil right munus wrong ang upcat) para kung sakaling mali ang sagot ko doon dahil clueless ako ay walang bawas. Thanks to the review center na nagtrain sa akin :))

Maayos naman ang daloy ng upcat maliban sa isang scenario na nangyari sa akin. PUTEK as in PUTEK sa sakit mapulikat sa kalagitnaan ng READING COMPREHENSION. Gusto kong sumigaw sa sakit dahil naninigas na ang kanang binti ko pero ayoko ko maging center of attraction kaya pinilit kong igalaw-galaw ang hinlalaki sa paa ko gaya ng normal na ginagawa ko pag pinupulikat. Yan lang naman ang worse scenario at good thing naging maayos ang UPCAT ko.

Natapos ang exam, lumabas ako ng hall. WOW Star studded kami? Grabe sa daming mga magulang hawak-hawak ang payong na naghihintay sa labas ng testing center pero ni isa sa kanila ay wala ang papa ko. Nakuu wala pa naman siyang phone at ang lakas ng ambon :)) ambon lang pero malaks siya ng konti. Lumabas ako ng center, hinanap ko siya pero fail, wala siya. Gusto ko ulit pumasok sa loob pero hindi ako makadaan sa dami ng lumalabas sa center. pagkatapos usmugod sa ulan ayun nakita ko ang papa ko sa ilalim ng puno, nakatayo, hawak ang payong at bag ko at sinalubong niya ako nung makita niyang pasugod ako sa ulan.

Kinamusta niya ang exam ko, sabi ko yaka naman (proud :)) ) At pagkatapos noon ay pinuntahan namin si inay sa Philcoa at kumain kami ng STA-PEGI sa JABI treat daw nila ang kanilang bunso :)) LOL.

*UPCAT facts: share ko lang, sa 86 thousand na nagexam 11 thousand lang ang natanggap. (Last year po yan)
Sana makapasa ako at makaabot ako sa quota grade kasi UP ang katuparan ng pangarap ko.
PS buti na lang hindi ako isa sa mga lumabas ng testing center na LUHAAN at TULALA (opo totoo ito). Thanks so much to the review center. :))

OK thanks sa pagbabasa kahit napahaba ng konti :))

Friday, August 6, 2010

Eto na ang opportunity

paunang salita:
handa na akong ikwento ito. nangyari ito kamakailan lamang :] enjoy reading

Hapon na, tantiya ko ay mga 5 pero tila ay alas sais na dahil sa itim ng ulap sa kalangitan. Panahon nanaman ng bagyo. Shit wala akong payong. Uuwi nanaman akong basang sisiw at siguradong bubulyawan nanaman ako ng aking dad dahil sa pagiging irresponsable at tamad magdala ng payong.

Tama ako. Umulan nga ng malakas. Dapat pala mas maaga akong umuwi, kung hindi lamang sa pinagawa ng adviser namin na si Mr. Garces. Dahil nga ako ang secretary ng club namin ay may pinagawa siyang typing job para sa akin na kailangan daw tapusin noong mga oras din. Mag-isa akong tumitipa ng keyboard; nagmamadali. Ayokong gabihin masyado. Mahirap na ang mabugbog.

15 minuto ay umuwi na ako. Bahala na, may payong o wala uuwi na ako. Nakakatakot kaya magisa sa isang building. Baka may magparamdam pa sa akin, buti wala.

Naglakad ako sa kahabaan ng path walk palabas ng main gate ng school namin. Napalingon ako sa covered court namin na di kalayuan lamang at napangiti ako sa aking nakita. Nakaupo siya sa upuan doon na ginagamit ng mga outreach students ng school namin (kasi doon sila nag ka-klase), mag-isa at malayo ang tingin. Eto na ang pagkakataon. Ilang araw na din kaming hindi naguusap matapos ang issue ng IN A RELATIONSHIP STATUS naming trip sa facebook. Tama, nagdesisyon akong kausapin siya.

Ang lakas ng ulan, kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko--- pinaghalong saya, lungkot, pagkasabik at pagkadismaya. Hinawakan ko siya sa balikat, kinausap pero parang wala siyang naririnig. "Bakit ka pa nandito? Umuwi na ba si Basco? Uwi na tayo tara hatid kita sa terminal...."

Tulad ng dati, wlang kibo. Hindi niya ata narinig ang sinasabi ko dahil sa lakas ng ulan kaya nagdecide na akong harapin siya pero..

SHIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

Isang bungo ang nakita kong mukha niya... SUMIGAW AKO.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...

Nagising ako panaginip lang pala. Bangungot. Pesteng bangungot XD XD XD

Friday, July 30, 2010

Move on. Fourth Years na tayo...

*This post is dedicated to my dear SILVER JUBILARIAN 2011 BATCHMATES

Sobrang malaking pagbabago ang naganap ngayong taon na to. Yung dating two sections natin from 1st-3rd year eh narambol rambol. Nagkahiw
alay na yung mga dating friends. Mahirap mag move on pero ano ang magagawa natin? Let's just accept the fact that we are not classmates anymore. Anyways may mga times na merged class naman tayong mga seniors.

Sobrang namimiss ko na yung dati nating samahan. Yung mga tawanang wagas sa tuwing gumagawa tayo ng mga kung anu-anong preparations para sa school activities, pero ngayon iba na. Magkakalaban na tayo ngayon pero besides that fact, ramdam ko pa rin na solido pa rin tayo.


Nakakamiss ang buhay third year lalo na sa advisory class ni MISS FAT. Nakakamiss yung may adviser ka na, may kaibigan ka pa, (may nanay ka pa :)) ). Nakakamiss yung super kulit na adviser mo dati, pero iba na ngayon. W
e need to train ourselves dahil sa college mas lalong walang mga ganitong mga basta.. walang ganito sa college.

Resto modes, Gigolo modes, LAUGHTRIP modes kahit sa kalagitnaan ng klase EVERYDAY. Idagdag pa dito ang weekend gala sessions natin. Isama mo na rin ang mga overnights project making. Yung tipong 1 1/2 lang ang tulog niyo tapos papasok pa kayo kinabukasan dahil ayaw niyong mapagalitan.

I really miss III- St. John 09-10. I really miss MISS FAT. I really miss that SPECIAL SOMEONE in my life. I really miss you. I want you all back but sadly, I can't. I am not superman, batman nor the god of time. I am just a mere "Louie" , that student wearing glasses, that can't do anything but sigh and reminisce those times when we're together.

Emo?

OO. Sige ako na emo. Nakakamiss kasi tulad kanina
may event sa school tapos nakakainggit yung all around support and cheer ng dati naming adviser sa new advisory class niya. (I'm not telling our adviser isn't cheering us much. HE IS. In a different manner) Somewhat nakakalungkot at nakakainggit pero we need to be strong at pigilan ang mga emotions na maaaring magpahina sa atin. Sabi nga din niya sa isa niyang post sa facebook kht d nmn aq advsr nio lab q pah dn kau lahat!..kylangn tlga nten mg-muv on sa buhai.haha.

It's really hard to magmove on lalo na kung masyado kang rooted sa isang bagay/tao o events. Kasing hirap ng pagtransplant sa isang puno na nakaugat na sa isang lugar sa mahabang panahon at tinibay na ng mga bagyo na nagpatatag sng a pagkapit ng ugat nito. Pero may paraan din naman na iba. Pwede namang stem cutting na lang diba? Yung tipong nakaugat ka pa rin sa tao na yun pero puputol ka lang ng sanga para itanim sa panibagong lugar.

I an really getting so emotional kaya so much for this one. All I can say is that, St. John 09-10, kahit na magkakaiba na tayo ng classes and at the same time magkakahiwalay-hiwalay na tayo, lagi kayong nakaugat sa puso ko gaya ng isang punong pinagtibay ng mga bagyong dumaan. Love you all.

Eto yung isang pic namin. Nakakamiss :[


Monday, July 26, 2010

Dagok sa Pamilya

"Lasing ka nanaman. araw araw ka na lang lasing... Anu toh? Bakit amoy babae ka? Nambabae ka nanaman? Walang hiya ka talaga."

"Bakit ba? Pakialam mo ba? Ako naman ang bumubuhay sa pamilya na ito?"

"Ah ganun na ba yun? So dahil hindi ako nagtratrabaho ay wala na akong halaga sa iyo? Eh kung ikaw na lang kaya ang magalaga sa mga anak mo. isusumbat mo pa ngayon sa amin ang mga ginagawa mo, HAYOP KA!"

"Walang hiya ka! Ako pa ngayon ang HAYOP? Eto bagay sayo!"

"Tay, wag! Wag na po kayo mag away ni inay!"

"Manahimik ka dyan! Pare-pareho kayong hayop!"

Madrama ba? Pero totoong nangyayari iyan sa mga pamilya sa panahon ngayon. Dumarami na ang mga pamilyang wasak at ang epekto ay karaniwang nararamdaman ng mga anak. Sino ba namang anak ang matutuwa dahil lalaki siyang wasak ang pamilya?

Galit. Yan ang damdaming nagliliyab sa sinumang anak na nakasaksi sa pagaaway ng kaniyang mga magulang na nauwi sa hiwalayan. Galit na kahit kailan ay hindi na huhupa. Galit na pagmumulan ng poot at pagkasuklam. Itong galit na ito ang dahilan kung bakit ang pananaw ng isang kabataan ay magbabago. Ang isang magandang pananaw ay nabahiran ng tila isang grasa--grasa na kailan man ay hindi na mahuhugasan ng tubig. Habambuhay na mananatili sa puso. Habambuhay na magiging mantiya ng kanilang pagkatao.

Bakit ko ba naisip ang ganitong paksa?

Naalarma lamang ako isang gabi habang narinig ko ang isa naming kapitbahay. Sobrang malapit kami dito sa tao na ito. Itago na lang natin siya sa pangalang Kuya Ton. Si kuya Ton ay isang masayahing tao at may pagkamalambing sa pagsasalita. Dala na rin siguro ng pagiging Ilonggo. Siya ay pala tawa, at sa tuwing kami ay magkakasalubong sa aming iskinita'y palagian akong binabati ng mga ngiti sa mga labi pero kagabi, ay ibang kuya Ton ang nakita ko. Isang kuya Ton na malungkot at problemado. Isang kuya Ton na nakaharap sa inuman ng mga kalalakihan sa amin na malaking problema ang pasan-pasan.

Lingid sa aming kaalaman ang problema sa kanyang pamilya. Akala namin ay masaya ang kanyang pamilya dahil sa tila laging sinasabi ng kanyang mga ngiti pero nakakubli pala sa mga ngiting ito ang isang malaking problema-- ang unti-unting pagkasira ng kaniyang pamilya na nagresulta sa unti-unting pagbabago ng pananaw sa buhay ng kanyang mga anak. Ang tila rebeldeng asal nila ay nangingibabaw. Ayaw na nilang ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto na nilang umalis sa bahay nila kuya Ton at humiwalay dito.

Hindi ko alam ang iba pang detalye ng kwento ni kuya Ton pero ang tangi ko na lang naaalala ay yung payo ng mga kainuman niya. "Pare, kailangan lang niyan na kausapin mo ang mga anak mo. I-one to one mo." Sa tingin ko epektibo din naman ito pero mahirap talaga sa isang anak na may positibong pananaw sa buhay ang tanggapin ang ganitong pangyayari sa kanilang pamilya.

Ako man, ayoko na humantong sa ganoong sitwasyon ang aming pamilya. Mahirap yung may iniisip ka pang problema maliban sa mga problema mo sa pagaaral. Mahirap mabuhay sa mundo kung saan mapupuno ka ng inggit-- inggit sa mga pamilyang kumpleto. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil buo at matibay pa rin ang pamilya ko sa ngayon. Matibay pa ring nagsasama ang aking mga magulang kahit na 25 taon na ang nakalipas ng sila ay ikasal. Masaya ako dahil isa ako sa mga masusuwerteng maayos ang pamilya at hinding hindi ko hahayaan na masira ang pamilya na ito, lalung-lalo na ang magiging pamilya ko sa hinaharap.

Friday, July 23, 2010

TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging Friday

Hay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad sa higaan ng walang ibang iniisip kundi tulog tulog tulog. Anyways eto ang weekend kwento na ewan ko ba kung bakit mo pa binabasa ngayon. Pero kung wala kang magawa at sa tingin mo ay gusto mo pa magbasa eh proceed na sa susunod na paragraph.

Last Saturday, Last review session ko yun sa standards review center somewhere sa commonwealth near Philcoa at kung alam mo yung EVER eh ilang tumbling lang yun doon. So far madami naman akong natutunan sa 5 weeks (45 hours) + 1 sunday (5 hours) na review session na yun for preparation sa UPCAT. Pumasok ako sa review center na yun na para akong baso na kalahati lang ang laman. Pag labas ko ay naging 3/4 na ang laman plus nagkaroon pa ng flavor XD (chocolatte flavor yung katulad nung nasa vendo don). Ganyan ko maicocompare ang help ng review na yan para sa preparation ko for UPCAT. I would like to share na din yung result ng dry run exam namin. So far so good and happy naman ako para sa result. I ranked 26 out of 130+ na nagtake ng dry run. Yipee. natuwa lang ako. Unexpected kasi alam mo yun yung nangangamote ka na lalo na sa math tapos nagpapawis pa yung kamay mo tapos sobrang lamig wala kang jacket at nabrabrain freeze ka na eh nakakuha pa ng ganyang rank. Pero hindi dapat ako makuntento diyan. Review more--kahit self-review lang.

Nung monday naman eh binigyan kami ng task ng aming teacher sa English na si MISS FAT (alam ko mababasa niya toh. Nagbabasa siya ng blog ko whahaha) gumawa daw kami ng prepared speech kasi kasama sa english subject namin yung public speaking. Dapat daw kabisado kahit papaano tapos sa podium atmay mic pa. Kabado, nagprepare pa rin ako at dumating ang araw ng performance (kahapon) super nanginig ako habang naiispeech pero nadeliver ko naman ng maayos at pinagperform ulit ako (pati yung iba kong classmate) sa harap ng lahat ng 4th years. Doon ako namental block ng husto. DAmi nga njilang rumors eh kasi medyo tinamaan ng topic na FIRST LOVE ang speech ko. kaya daw ako namental block kasi nandoon daw si FIRST LOVE. Mga tao talaga.

Bukas din meron kaming Acting workshop. Actually para lang yun sa theater arts club ng school namin pero ininvite kami ng moderator na si MISS FAT kaya it's a plaesure at nakakahiya naman na tanggihan yun. I want to learn more naman din sa field ng acting para naman hindi lang so-so yung mga talents (singing?, dancing?, acting?, drawing?, Playing musical instuments?) ko. Kailangan madevelop din sila diba? Nagpreprepare kasi yung club para sa nalalapit nilang play production na HAMLET at gusto ko maging part nun. Maganda yun!

Kanina din, nagalit yung French teacher namin, ayun minus 5 kami sa quiz kanina na 15 items na hindi tapos. Tsk. Kakaasar kasi mga classmates na epal. Sarap isilid sa locker. Haha

Yun lang. Kwentuhan ko lang kayo at umapdate na din. Nabubulok na kasi blog ko :))
Ingats. Next time kwentuhan ko kayo ng PAGIGING TEACHER ko :) oo, teacher nga!