Monday, September 9, 2013

Duda


Kasabay ng bawat hampas ng alon
Ang mapapait na ala-ala'y akin nang ibabaon.
Kasabay ng dagat na ngayon ay mahinahon
Ang pagdating ng aking pinakahihintay na panahon.

Ngunit kasabay din pala nito ay ilang kalituhan
Pagdududa'y bumalot sa ilang kaisipan
Akala ko'y tamo na nila ang aking katauhan
Pero bakit ganoon na lang ang kanilang natuturan?

Siguro'y hindi na lamang iisipin pa
Marahil ay darating din ang araw na maiintindihan nila
Katulad ng alon na sa dalampasiga'y humahampas
Sa dagat ng pagdududa, ako rin ay makaaalpas.

--

Thursday, March 28, 2013

Nang isang gabing ako'y naging isang makata.

Hinahanap ko lang marahil ang isang pagkalinga na noon ko pa ninanais.
Hindi ko alam kung nauukol na ba ang panahon.
Ang alam ko lang ay masaya ako.

Hindi maipinta ang aking mga ngiti.
Ito ay dahil sa sayang dulot ng matamis mong pagtugon.
Hindi ko alam kung saan tayo patungo.
Ni hindi ko rin nga alam kung ano nga ba ang mayroon
Ang alam ko lang ay masaya ako.

Masaya ako ngayon.
Wala itong simulain ni patutunguhan.
Pagdaloy nito'y basta na lamang sinasabayan.
Uhaw, pait, tamis, ligaya.
Ngiti, hinagpis, kurot ng damdamin.

Wala aking pakialam.
Masaya ako.
Masaya sa'yo.

Friday, January 4, 2013

Tumatakbo pero walang paa

May paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dumating ang puntong hindi na natin alam kung paano pagkakasyahin ang iilang oras na natitira. That's life.

Ang drama lang. Sa totoo kasi hindi ko lang maintindihan yung inaaral ko ngayon na medyo crammed na dahil January na ako nag start eh December pa lang break na. That's life. Pinili ko ito, I need to face the consequences.

Ayoko ng magbanggit ng kung anu-anong sana. Kaya ko to. (At naisingit ko pa talagang magblog)

Bottomline: Please lang, wag sayangin ang oras. Kung ang pasensiya nga ni Angelica nauubos, ang oras pa kaya?
Okay korny. Sige na. Hahabulin ko pa ang oras.

Wednesday, January 2, 2013

Wag kang mag-alala

"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..."

Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro ang nangunguna sa aking puso at isip. Binabalot nito ang determinasyon na siyang dapat na namayani para matupad ang mga bagay na gusto kong matupad. Nakakatakot. Siguro nga ay hindi ako yung tipo ng taong risk taker. Masyado akong confined sa mga bagay na alam ko na ang magiging kalalabasan. Takot akong magkamali. Lalong takot akong mahusgahan. Kung kaya nga madalas ay pinipili ko na lang na hindi gawin ang mga dapat at gusto kong gawin.

"Sumayaw sa sarili mong awit. Umindak at 'wag pasindak..."

Ako? Paano? Iyan ang mga tanong na kalimitan kong naitatanong sa aking sarili. Marahil ay nabubuhay nga ako sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa mga ginagawa ko. Nabubuhay rin ako na tinitingala ang mga taong gusto ko maging katulad. Pero sino nga ba ako?

"Hindi ka katulad ng iba, 'wag kang mag-alala."

Sa nakalipas na taon, namuhay ako sa takot at kaba sa mga sasabihin ng mga ibang tao tungkol sa aking mga ginagawa. Takot akong sumubok ng bago. Iyon na rin siguro ang naging dahilan kung bakit hindi ko naipapakita ng husto ang tunay kong kakayahan.

May sarili akong pagkakakilanlan, talento at talino. May sarili akong prinsipiyo at paniniwala. Kung may pagbabago man akong gusto makamtam, sa akin pa rin iyon magsisimula.

Kasabay ng pagpapalit ng taon, sisikapin kong mamuhay sa aking sariling musika. Isang musika na binubuo ng himig na sa akin mismo magmumula. Susubukan kong iwanan ang takot at kaba.

Pipilitin kong Wag mag-alala. Kasama naman kita, hindi ba?

(Wag kang mag-alala ni Ebe Dancel)