Tumatakbo ang oras kahit walang paa. Mabilis. Hindi ko namamalayan. Siguro dahil madami akong ibang bagay na pinapahalagahan na dapat ay hindi naman bigyan ng ganoong kalaking atensiyon. May mga bagay na kailangan gawin ngunit hindi ko na nagagawa dahil inuuna ko ang mga bagay na hindi dapat. May mga bagay na hinahanap-hanap ko pero hindi ko alam, nasa kamay ko na pala. Ang buhay ay sadyang mabilis kung kaya't ako nagpapasalamat kasi sa tatlong araw ay napabagal ko ito.
January 13-15 2011, Huwebes hanggang Sabado, pumunta kami sa hometown ni KESO --> Silang Cavite uipang mag retreat. Nabanggit ko na sa mga uanng posts ko na nagretreat kame pero eto na ang kwento tungkol doon. Isang linggo pa lang bago magretreat pinapaalalahanan na kami ng aming adviser na hindi yun isang outing kung hindi retreat at paulit-ulit ko pang dinefine yung retreat. pati ba naman sa mismong simula ng retreat ay dinefine ko pa. Grabeng tunay.
Sinabi ko sa taas na napabagal ko ang oras. OO. Napabagal in a sense na napag-isip isipan ko talaga yung mga bagay na dapat kong isipin sa loob ng tatlong araw. Sino ba ako? Ano ba ang halaga ko sa mundong ito? Sino ba ang mga tao sa pailigid ko? may dulot ba silang maganda sa akin? O sila lang ay mga sugo ni taning na umaakit sa akin sa kasamaan. Kung iisipin ninyo napakaseryoso naman ng post na ito. Minsan, sa buhay, hindi lahat naidadaan sa kasiyahan. Ang pinakamasarap sa buhay ay yoong malaman ang katotohanan at matanggap yon. Doon magsisimula ang kasiyahan sa puntang natanggap mo na ang katotohanan.
Unang araw, pinipigilan ko talaga ang umiyak sa bawat sharing mga mga ka-edad ko, mga classmates ko. Ayoko kasi maging emosyunal sa harap ng mga classmates ko kasi gusto ko matapang ang aura ko. Pero hindi ko na napigilan noong mga sumunod na araw. lalong-lalo na nung natanggap ko yung sulat na galing sa ate at sa nanay at tatay ko. Though expected ko na na magpapadala sila ng letter, naiyak pa din ako kasi yung content ay hindi ko inaasahan na ganoong kasweet. Sa isang anak na laging nasisigawan, isang masayang achievement at regalo na mula sa isang magulang na laging galit ang isang sweet at emosyonal na sulat. Habang sumusulat nga ako ng reply eh maluha-luha at mauhog-uhog pa ako. Dahil doon nalaman ko na mahal pala nila ang kanilang bunso ng tunay.
Pero hindi lang naman puro seryoso ang retreat. Siyempre mawawala ba diyan yung mga kalokohan? lalung-lalo na sa dorm. Kasi kaming mga boys ay hiniwalay ng building sa mga girls sa kadahilanang madame kami at baka kung ano ang mangyari. Though wala mga chjicks, nakakatuwa pa rin kasi nakapagbonding-bonding kaming mga brothers. Wrestlingan to the mas at tawanan buong araw. Isama pa ang pamorningan na kwentuhan at sabihan ng mga sikreto. Doon tumibay lalo ang samahan namin. Imagine, isang kwarto na pang 3 persons lang eh siyam kaming nagsiksikan. Kasi daw may multo kaya nagsisilipatan kami. Haha.
Eto nga pala yung ibang fun shots noong retreat. uwian na lahat yan kasi kinuha lahat ng gamit namin noong pagdating namin at ibinalik noong papauwi na kami. Wala tuloy kaming pic ng mismong activities namin na lumusong sa imburnal ng nakablindfold. Ang saya sobra.
Kung ano ang ikinabagal ng oras dahil nakilala ko ang sarili kio, ganoon naman ito naging kabilis dahil tatlong araw namin ay tapos na. kailan kaya ulit ako makakapagretreat? Siguro huli na to. Sobrang napakasaya ng tatlong araw na ito dahil nakasama ko yung mga classmates ko sa pagninilay ng mga bagay-bagay. Noong pauwi na nga kami parang ayaw pa naming lahat. Eto na kasi ang naghuhudyat na malapit na. Ilang araw na lang. Isang hapon na ng marso. Lalakad kasi sa hall na nakaputi. Bumibilis na ang oras.