Thursday, November 25, 2010

random.01


.I love you.
..Weh ang lakas ng trip mo ah.
.ayaw mo ba?
..ahmmm
.gusto rin. aminin.
..wenks hindi kaya.

..di nga?
.oh, nadala ka naman agad. Ikaw talaga.
..wala lang

..kamusta na kayo ni....?
.ayos lang. Bakit siya nanaman pinaguusapan natin?
..wala lang.
.ikaw puro siya na lang nasa-isip mo
..(mali ka doon. ikaw lang ang laman ng isip ko) siyempre siya lang naman ang magandang pag-usapan para sayo.
.di rin.

.geh alis na ako.
..(wag muna. O cge. I love you too na. Wag mo ko iwan. Dito ka muna please) geh ingat ka.

-----
sorry wala akong ibang outlet eh :]
joke.
wala kasing internet sa bahay kaya di ako makapagpost ng maayos.
Babawi ako next time :]

Friday, November 19, 2010

Kwentong Mapua

Ang post na ito ay 3rd installment ng college university entrance test kwento ko. After ng madugong UPCAT at ng SWABENG USTET eh napagdesisyunan ko na kumuha din ng exam sa Mapua Institute of Technology.

Bakit?

Dahil sabi ng mga nakakaalam, mahusay daw ang Engineering ng Mapua at dahil nga dream ko maging successful engineer someday ay siyempre check ang Mapua sa dream universities ko.

Actually, medyo hindi naman malayong malayo ang Mapua dito sa bahay namin. In fact, isang bus at isang jeep lang samahan ng kwentuhan at tawanan eh nasa Mapua ka na.

Nung nag-apply kami sa mapua, nakakuha kami ng libreng bag at pin. Yun yung gagamitin daw namin sa exam if ever we want. So ayun together with other 3 engineering aspirants and 1 architect to be, sinuuong namin ang Manila.

Siyempre sa una, kasama namin nag-apply yung dad ko at dad ng isa kong classmate pero nung exam na eh kami kami na lang ang pumunta. Big boys na kami. Alam ko naman na kung paano basta once na makapunta ako kaya di na problema.

Let me describe Mapua. Compared sa UP at UST, medyo maliit lang ang Mapua. Composed ito ng SOUTH, NORTH and WEST building if I'm not mistaken. Medyo kitang-kita mo agad ang mga estudyante na naglalabuyan sa campus. Di gaya sa UP na sobrang lawak kung saan parang nasa park ka lang at di mo aakalain na mga estudyante ang makakasalubong mo.
Maganda din naman ang facilities ng Mapua. Saktong-sakto sa mga courses offered nila. Puros mga gamit ng engineer ang makikita mo. Kaya nga love ko ang Mapua dahil doon.

Sa loob ng testing area, sobrang malamig. Putek nakashort lang ako nung nag-exam. Gininaw tuloy ako pero natapos ko naman yung exams.

About exams, madali lang siya ng konti. Verbal exams, 90 items for 1 hour, Numerical Exams 45 items ata sa 1 hour tapos Subject tests 45 items composed of Biology, Chemistry, Physics, Logical Reasoning at Critical Thinking na sasagutan mo sa 40 minutes. hanep.

After namin mag-exams eh gumala kami sa Manila. Sapalaran kaming lima kasi 1st time namin gagala sa isang lugar na hindi naman namin gaanong kabisado. Lakad dito, lakad doon, nakapunta kami sa Luneta. oh diba, ang sipag ng paa namin. Eto ang ilang sneak peak.



After a week eto ang naging bunga ng exams ko:


Sobrang saya ko! Pasado na ako. MAy isang university na na pwede akong pumasok sa college :]
Final college entrance test, PUP College Entrance Test ;]

Wednesday, November 17, 2010

Thesis

Eto na nga, dumating na ang isa sa mga bagay na medyo pressuring sa part naming mga seniors. Dumating na sa kaisipan ng teacher namin na oras na upang gumawa ng thesis tungkol sa ilang mga socio-economic problems sa Pinas. Since economics ang subject namen eh siyempre kelangan tungkol yan sa ekonomiya at siyempre kelangan hindi basta-basta na lang baliwalain kasi one of my favorite subjects is history. Ang kaso ang hirap niya talaga to the infinite power.

Brainstorming mode pa lang kami. Siyempre may mga previous batches na na nauna samin so parang ang panget kung pareho ng topic diba. So halos lahat ng magandang topic eh nakuha na. 6 groups pa ata kami sa seniors so isa pang problem ang pag-uunahan namin sa mga topics na yun.

Isa pang daing, ang mahal niya. Magpapabook bind, magreresearch, heavy printer works, labor, meryenda, transportation. Ang sakit sa bulsa.

Pero on the other way around naeexcite naman ako. May freedom na kasi kaming pumunta sa kung saan lugar para mag-aral sa mga bagay-bagay na yun. Ang sayang experience nung magiinterview kayo at sama-sama kayong magpupuyat sa iisang bahay para gawin ang thesis ninyo.

Di bale konting tiis na lang naman at discharge na kami sa high school. Konting sakripisyo na lang hawak na namin diploma namin. Naks naman.

So wala lang, naisipan ko lang isulat toh.
Anyways, ang lesson naman eh "Kung may tiyaga, may diploma"
Have a nice day!

Monday, November 15, 2010

TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Eto ka nanaman.
TUGTUG TUGTUG TUGTUG

Ramdam nanaman kita
TUGTUG TUGTUG TUGTUG

BAWAL.

Hindi ko alam kung sa papaano ka bang paraan mapapaalis. Lagi na lang.

Ilang taon na ang nakalipas...
Binubulabog mo pa rin ako.

TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Ang sakit. Tumataas balahibo ko. Naluluha ako.
Bakit ngayon pa?
TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Sunday, November 14, 2010

Inang


Wala lang. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking napakasunget/baet/kwelang lola.
Ladies and gentlemen...


Siyempre siya yung nasa left este right pala.
Name: Felipa Espino Asuncion
Nickname: FELY (JOKE) Inang, Ipang
Age: 86 and still counting. Goal niya daw makahigit isandaan.

Commonly Found in:

Siyempre yan ay ang precious throne niya. Walang pwedeng umupo jan pag present siya :]

Ari-Arian:

Hobies and interest:

1. Maghimay ng bunga ng bulak tapos gagawan niya kami ng mahahabang unan.
2. Magbaraha--magsosolitaire siya. Minsan nga sabi ko sa kanya huhulaan ko siya at sinagot niya lang ako ng favorite expression niya (see below)
3. Magwalis ng bakuran-- kahit ng 86 na siya eh nawawalisan niya pa ang buong bakuraan. Strong bones yata yan si Inang.
4. Manigarilyo ng kulay brown na sigarilyo na parang tabako tapos yung may baga yung ipapasok sa loob ng bibig. Nung mga bata pa kami at unang nakita namin na ganun magyosi si Inang sabi namin "WOW EXCITING" HAHA. lagi pa namin tinatanong kung napapaso ba siya ang sagot niya, (insert favorite expression here), bakit naman ako mapapaso?
5. Mag-bingo. Spoiled to si Inang laging binibigyan ng pam-bingo. Pag ako na hihinge hindi ako binibigyan. XD.


Favorite expression: Ay putang-ina mo! With matching funny intonation. Hindi nakakainis. nakakatawa siya:]

at siyempre hindi mawawala ang CUTEST APO:

ANGAL? HAHA

Lab yuu Inang. See you sa Pasko!
Actually di naman niya to mababasa kasi hindi siya kasing techie ni lola tetchie ba yun. Basta. Haha.
Minsan nga eh sabi namin "la, bibigyan ka namin ng laptop tapos ng broadband. Chat chat na lang tayo" Sabat naman ng isa kong pinsan, "tapos sasabihin ni Inang EoHwZ mGa afPoUhz.! Wh3n ckEyOu uW33Hz? j3j3j3" Ang sagot niya: Mga putangna niyo pinaglololoko niyo lang ako. Anung malang gawin ko jan. HAHA

At kung matuto ka man inang magfacebook at magblog minsan eh magcomment ka naman dito :]

Thursday, November 11, 2010

Childhood Crushes

Actually, bata pa naman ako, 16 pa lang ako at next year pa ako magbibirthday pero ang tinutukoy ko sa title ng post na ito ay ang mga naging crush ko noong ako ay nasa elementary pa lang.

Grade 1 pa lang ako nung una ako nagkaroon ng tinatawag na crushes na yan. Dati, big deal yung mga crush crush na yan as if pag naging crush mo yung isang tao siya na yung magiging partner mo forever. Mga crazy concepts ng kabataan. Tuwing iisipin mo tong mga ganito matatawa ka na lang kasi sa sobrang bata mo pa lang eh kung anu-ano na ang naiisip mo. XD

Ok, eto yung mga ilan sa naging crushes ko noon.

1. Si Jerlyn:


Si Jerlyn ay ang una ko atang naging crush nung grade 1 pa lang ako. Nung mga times na yun eh transferee kasi siya at alam mu yun yung amputi talaga niya tapos lahat ng classmates ko crush siya nun so ako sabi ko crush ko na din siya. HAHA. Ngayon, classmates pa rin kami at friends naman kami. Siya ang kasalukuyan naming top 2 at siya ang nagrepresent sa school namin sa interschool pageant at nanalo siya ng first runner-up. Oh diba? beauty and brains!

2. Si Karen:


Si Karen yung tipo ng bata na napakatalino as in in born sa katalinuhan. eh dati pa naman, basta matalino ang isang babae eh sinasabi na crush ko yan crush ko yan. So naging crush ko din ito noon. Can't determine kung kelan basta kasama siya sa listahan.
Update sa kanya, nagaaral siya sa Caloocan Science High School. Di na namen makakasabay grumadweyt sa same stage ngayong high school. Siya pala ang Valedictorian namin noong grade 6.

3. Si Vienna:

Yap, kung nabasa mo yung previous post bago ito, siya nga yung nagbigay ng dedication na yun sa akin pero ngayon it doesn't mean anything. Pinasulat ko lang talaga siya.

I had this very funny exxperience kay vienna nung grade 3 palang kame. Noong mga
times na yun eh natututo na ako magkalikot ng cellphone at medyo alam ni vienna ang number ko at tinatawagan ako. ubos load XD. Tapos pinuntahan ko pa siya sa bahay nila na di kalayuan para ipakita ang cellphone namin na 5110. Fail XD.

4. Si Wrindle: (sa right) sa left yung BFF Janelle ko. (saka na kwento tungkol kay bff)


Crush ko toh dati nung mga late elem days na ako na medyo namumulat na ako sa konsepto ng kagandahan. Alam mo naman, puberty stage. Nagandahan lang ako sa kanya at nabaitan kaya naging crush ko siya dati. Ngayon, isa itong tao na to sa nakakaalam lahat ng updates ng buhay po lalo na sa buhay pag-ibig ko.XD

5. Si Marijoe; (sorry for the pic ha, hindi ako makahanap ng magandang solo shot eh kasi kulay blue lahat :] btw maganda pa rin naman siya kahit stolen)


Tulad ni Wrindle, naging crush ko lang siya dahil na-cutan lang ako sa kanya dati. Ngayon, di kami classmates neto. Magkaiba kami ng sections pero close pa rin naman kami at nagkakatxt :]

6. Si Isabella


Ito ang huli kong naging crush noong elem ako, particularly grade 6. Transferee siya noon at siyempre bagong mukha kaya naattract ako sa kanya. Sa lahat ng naging crushes ko siya lang ang kulot. Haha. Ang cute niya kasi dati. Nung high school na kami lumipat na siya ng school kaya ayun wala na akong masyadong balita sa kanya.

*May isa akong di nilagay dito. XD Wag na nating alalahanin yun XD.

Buti pa pag bata ka eh nuh madali lang magcrush crush. Ngayon pag high school ka na konting anu lang eh issue na agad.

HAHA

Wala lang. natripan ko lang ipost to. Nakakatuwa kasi isipin yung mga ganitong bagay. Soon na yung high school. HAHAHA

O siya, tama na kwento tungkol sa mga crushes ko dati XD

Wednesday, November 10, 2010

Dedication


Sinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon na essay writting contest ang sasalihan niya so binigyan ko siya ng chance para mapractice ang skills niya. (palusot much XD)

Looking inside our room, slowly setting my eyes to each of my classmates makes me see the faces I would someday want to remember: one of thos
e faces wears eyeglasses and is intact to a tall body of a boy named Louie Renz Asuncion Sucaldito.

He grew from being a bubbly little boy to a clever young man, a young man who is brave enough to face the gruesome realities of life, the young man who is mature enough to settle as the apple of his best friend's eyes and long for nothing more than that. Although I can honestly say that there's a part of him that I can't help but hate, he will always be someone who is remarkable enough to make his way to my precious list of friends for during the times of helplessness, he was always there to cheer me up and though he might be closer to other people, he never failed to give that boosting support everyone of us need.

Through my almost 10 years of being a salettinian, thinking through all those experiences, he never failed to amaze me of all the achievements he keeps on get
ting, it was as if he's a big ball of energy who despite problems thrown to him still finds his way to success. I remember way back when we were sophomores, he broke his arms while playing with his friends. We were seatmates then and I helped him write a few of his notes and seat works; During those days, I saw his eagerness to still learn despite the accident and it was not a surprise to me when he became the smartest in our class during that grading.

Truly, his exemplified perseverance is sure to lead him to success in the near future and I am fortunate to have experienced being with him for quite a while.
It is infact a blessing, that once, a person like him inspired me.

Eto pic ni Vienna, siya nagsulat neto:


Ang cute niya no, parang napopossess lang siya jan pero cute pa rin. XD

Translation ng gawa niya: Ang cute cute cute cute daw ni RENZ :] JOKE

Kung nakaabot kayo sa part na to, maraming salamat sa pagbasa ng boring kong buhay. :]
Actually wala lang talaga akong mablog kaya naisipan kong ilabas na ito sa publiko. First time pa naman na may nagsulat tungkol sa akin at super natouch lang ako.

BTW vienna, kung sakaling maopen mo ang blog mo at mabasa mo ito, super thanks dito :]
DAGS ka talaga :]

Monday, November 8, 2010

Patay



Patay na patay ang utak ko ngayong mga panahong ito. Kailan ba hindi? Lagi ko na lang binablog ang pagkatigang ng utak ko. Kasabay kasi ng buwan na ito kung saan ginunita ang araw ng mga patay eh mukhang patay din ang isip ko at hidni ako makaisip ng isang blog post.

AHA

Since napasok na dito ang usapang patay, let's get it on.

Nung nakaraang week ay inalala natin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod sa sementeryo at sa kung anung pinaglagakan sa kanila. Yung iba naman eh nagtulos na lang ng kandila para sa mga patay nila.

Ika nga nila eh it's better to be late than never. So makikilat
e UNDAS ako.
Yan yung picture ng kandila na sinindihan ko noong undas. Limang maliliit na kandila--limang patay na inaalala.

Unang kandila, inaalala ko lahat ng patay. Yung literal na patay--mga namatay sa sakit, sa katandaan sa aborsyon, sa pagkamartir... Nawa ay sumalangit na ang kanilang mga kaluluwa.

Ikalawa, hindi lamang mga patay na katawan ang pinagtitirikan ko ng kandila. Ito ay para sa mga taong patay na ang konsensiya. Sa lahat ng taong pumapatay. Tandaan niyo, Diyos lamang ang may kakayahang bumawi ng buhay kaya kung kayo ay kumitil ng buhay, nagpaabort o kung anu man, para sa inyo ang kandilang ito.

Ikatlo, para sa patay na sistema ng pamahalaan. Para sa patay na pamamahala. Para sa nagpapatay-patayan at pagtataingang kawali sa daing ng mga tao. Para sa inyo ang kandilang ito.

Ika-apat, Para sa patay at patuloy na pinapatay na kalikasan, para sa halos mamatay na inang kalikasan. Ang kandilang ito ay simbolo na ako ay kaisa ng kalikasan tungo sa pagbabago. Isang ilaw, na pagsinamahan ng iba pa ay magbibigay linaw sa buong mundo at magpapasiglang muli sa inang kalikasan.

Ang huli, para sa ating mga sarili. Sa patuloy na pagpapatay-patayan natin sa pagiging anu na lang ang kaya natin.. Nawa ay mapagliwanag ng kandilang ito ang ating sarili...ang kandila ng pagbabago...ang kandila ng liwanag ng bukas.

Ang dapat, araw-araw ay gawin nating pag-aala-ala sa lahat ng patay sa ating paligid--literal man o hindi.
Tulad ng batang ito-- siya si kat-kat, tatlong taong gulang, batang probinsiya. Anak ng isang kalaro ko dati na medyo may konting pagkukulang sa pag-iisip. Produkto ng karahasan, produkto ng kahalayan. Sana huwag tayong mag patay-patayan. Tulungan nating mabawasan ang mga tulad ni katkat. Matanda man, o bata, may magagawa tayo.

Buhayin ang mga patay! (sounds creepy!)
hoho

Have an inspiring post-Halloween/UNDAS