Oh mga ate, mga kuya, lolo, lola, tito, tita pinsan at buong angkan. Magkape na tayo!
Actually di naman talaga ako mahilig sa kape kasi hindi ako sinanay ng mga magulang ko magkape ever since bata pa ako pero umiinom din naman ako ng kape minsan. Feeling ko kasi ang pait ng kape. Siguro hindi lang ako sanay. Buti kung coffee Ice cream yan oh kaya coffee candy gusto ko pa yan.
Anyways, trip ko lang ikwento ang kape dahil nakakita ako kagabe ng kape at pumasok sa ideya ko na magblog ng kape.
Isipin mo, ang kape ay parang tao din diba?
WEIRDO ko nuh.
Hindi lingid sa kaalaman natin na may iba't ibang klase ng kape at sa iba't ibang klase na ito malalasap ang iba't ibang lasa nila. May matapang, may sweet, may 3 in one na, at kung anu-anong klase pa ng kape.
Tulad ng tao, iba-iba din ang taste, may feeling mayaman, may matapang, may 2 in one at kung anu-ano pa. Isipin mo ha, kada tao, iba't iba ang taste sa kape kaya don't worry kung di ka gusto ng taong yun dahil may iba na gusto ka naman. May iba naman na gusto yung kumpleto na sa isa kasi ayaw na mahirapan tumantya-tantya, meron naman iba na gusto sila ang tatantya para mas makuha nila ang sarap na inaasam nila.
Isa pa, Tulad ng KAPE, ang tao din ay BITTER. Iba't ibang level nga lang ng bitterness. May sobrang bitter, may kunwaring bitter, may bitter-bitteran at kahit anung klaseng bitter ka man, I therefore conclude na lahat ng tao may sari-sariling bitterness. Wuu lusot mga bitter jan oh :)))
Isa pa, ang kape ay masarap din inumin pag may kakwentuhan. Nawawala ang pait nito pagpinagsasaluhan sa isang hapag kasama ang kaibigan. Ika nga eh share your BITTERNESS. HAHA
Sabe nga sa isang commercial ng kape, PARA SAAN KA BUMABANGON? Ibig sabihin, tulad ng pagkakape ang buhay din ay may rason. Nasasaiyo na yun kung ano ba ang rason mo. Kung gusto mo magpakabitter gaya ng kape or what so ever.
At dahil wala lang akong mapost, magkakape na lang ako :]