Tuesday, February 9, 2010

Malapit na ang Valentines

So ilang araw na lang ba? Nagdiriwang na ang mga pusong nagsasaya ngayong buwan ng mga puso. Hindi na bago sa paningin ko ang mga sinyales ng valentines. Dumarami na ang mga couples na naiispottan. Nandiyan na rin yung mga hearts hearts red and white na kulay sa mga websites, bulletin boards malls, etc.

So ano naman ang balak ko this valentines?

Since single ako, hmmm siguro I'll share the love na lang to all my friends, and to my family. Oh diba, mga palusot. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang mga iyon right.

Pero I always dream of a valentines date. Yung tipong dinner with candle light and orchestra playing love songs sa isang luxury cruise ship, tapos may romantic dancing and fireworks, sabay luhod at kuhba ng ring. Sus. Pangarapin ko na lang. Tutal di naman masarap mangarap diba?

Pero sana one day makita ko yung sarili ko sa ganung sitwasyon, araw ng valentines din gusto ko yun. Pero sa ngayon, pindot-pindot na lang muna ako sa computer, at sa cellphone at aatend ng mumunting valentines party (sana).

Monday, February 8, 2010

Mahal mo ba talaga ako?

Ang init ng hapon. Kasagsagan ng tirik ng araw, pati ang usapan natin ay sobrang init na rin. Magkakatumpok tayo sa isang sulok ng classroom. Ikaw, ako, at ilang mga kaibigan.

Pilit tayong nagaayos ng gusot sa pagitan nating dalawa. Kinausap na kita dahil nahihirapan na ako. Ayoko ng may tampuhan tayo kaya ginawa ko to.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip mo, bigla mong tinanong... "Mahal mo ba talaga ako?"

Natulala ako sa aking kinauupuan. Yumuko ng saglit at muli siyang tinignan. Di ko napansin tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko.

.."ano kamo? mahal ba kita. (lagok)."

Patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata ko habang sinasabi ko sayo lahat lahat ng nararamdaman ko.

"OO. Mahal na mahal kita. Kahit alam ko na wala namang kahit anong assurance I gave my all to you, not even thinking of how will you return it to me. Masakit. Oo sobrang sakit."

Umalis ako ng room.


--nagising ako. panaginip lang pala. LUHAAN DIN ang mga mata ko.

Sunday, February 7, 2010

Sorry Blog, tinalikuran kita, eto na ako, nagbabalik :D

Isang gabi, may isang batang bloggero na nagsusurf surf sa facebook at nagchachat then suddenly may nag pm sa kanya sa ym.
CONTINUE ON BLOGGING.HINDI SAYANG ANG SINUSULAT MO
I was struck dahil sa motivations na binigay niya. Ewan ko ba kung bakit di ko nafeel ang pagbloblog nung nakaraang linggo. Ang gara kasi sa tingin ko masyadong korny na yung blog ko, masyadong nakacenter sa isang bagay, masyado nang o.a at ang mga post ay walang silbi.

Sinabi ko sa kanya yang mga yan (pero di exact yan).

Natuwa lang ako sa sagot niya.
hindi ka makakasulat ng sinasabi mong "maganda" kung hindi ka magsusulat.
Yeah right. paano nga naman ako makakapagsulat ng mga sinasabi kong dream blogpost kung hihinto ako diba? He really inspired me from his stories of blogging.

Parang ako rin pala siya, he started blogging at the age of 14, ako naman 15. Pinabasa niya sa akin mga blog post niya and I'm so inspired.

Thank You so much sir, for letting me know the value of blogging.

Natutunan ko na ang isang tao ay hindi ipinanganak ng may angking kakayahan na. Lahat ng bagay natututunan, at naiimprove.

I wan't to be matured like him one day.

Do you want to know this person? Let's hide him in the name The Lemon Writter.

Dear Mr. Lemon Writter

Thanks so much po ha. You made my day. Pinalinaw mo ang isipan ko. Mabuhay ka.

Dear Blog

Sorry. Kalimutan na natin ang lahat. Ako'y nagbabalik na.

Renz

By the way visit his blog at LEMON WRITTER

Thursday, February 4, 2010

Naisip ko lang

Naisip ko lang, parang di ko na feel ang pagbloblog. Parang wala na kasing kakwenta-kwenta mga iba kong post. Sa tingin ko di na ako worth it para mag blog.

Pagiisipan kong mabuti kong itutuloy ko ba o hindi.

TSK>

Wednesday, February 3, 2010

Memorable day :D

Super memorable ng araw na to. Feb. 3 2009 nung nangyare ang isa sa pinakamasayang part ng buhay ko.

Pero bakit ngayon, nalulungkot ako?

Dapat masaya ako ngayon, habang inaalala ang nakaraan, pero manhid na ata ako.

Di ko maramdaman ang saya, kahit kalungkutan.

Wala na ba siyang halaga sa akin? Hindi ko lang sigurado.

Basta kahit may tampuhan kami, still, Di ko siya tatalikuran ng basta-basta na lang. Nandito pa rin ako, kahit di niya lang halata—bilang kaibigan :]

Happy 1 year na sana bollie.

Pero di naman talaga :]

Tuesday, February 2, 2010

Trip Edit :D


Love is not Jealous (Pero hindi sa lahat ng oras). Essential ba ang selos sa isang relationship? Sa tingin ko may points din na minsan kailangan ng selos para maging mas matatatag ang isang relationship. Normal lang magselos diba? Ang hindi lang normal ay ang SOBRANG SELOS. Kaya ako naniniwala na Love is Sometimes Jealous :D but still, Love needs Trust :D


For better quality ng mga ganitong post--gumawa ako ng tumblr. Eto :D mas malinaw dito eh click ka dito

wala akong mai-taytel

OO, may karapatan kang magtampo sakin dahil sa ginawa ko. OO, maling-mali ang ginawa ko, pero sana naman, wag mo akong isnobin kapag kakausapin kita. Gusto kitang kausapin, pero paano? umiiwas ka?

Bestfriend pa naman kita, pero parang walang silbe. Ayaw mo makipagusap. Pano tayo magkakaayos? Mas gusto mo pa siyang kausap.

SELOS? OO. NAGSESELOS AKO.

Ok na ba? Wala akong karapatan magselos pero wala akong magagawa, nagseselos ako eh.

(kung mabasa mo man toh, sorry)