Thursday, January 28, 2010

I need Some help

Friends, hingi lang sana ako ng help. Pavote naman po ng blog ko sa Filipino Blog of the Week na contest ng talksmart. First Time ko po dito at kaya po gusto ko maging number 1 dahil gusto ko po ipakita sa lahat ng tao na nandidito sa blogosphere na kahit bata lang kame (dahil rerepresent ko na rin yung mga iba pang bata) I can still prove myself and more importantly EXPRESS myself.

Sana po help niyo ako by clicking this.

Ang entry name q po pala ay aboutlouie
SALAMAT ng madami sa magvovote.

I want it and I Deserve it, so please help me :D

formspring.me

pa rekwest naman ng kanta? yung all downhill from here by amy kuney. salamat! =)

ok sure I'll try to find for it..kung may link ka pahinge naman ako.. Bloggers out there, what gusto neo Background Music ng blog ko? suggest here :D

Ask me anything

Wednesday, January 27, 2010

Sampal

"ARAY". Ito ay ang tanging salitang mamumutawi sa inyong bibig matapos marasmdaman ang isang gumuguhit na sampal sainyong muka. Nakakagulat at masakit, Ilan lang ito sa epekto ng sampal. Pero masasaktan ka ba kung ang sumampal sa iyo ay ang realidad ng buhay?

Masakit. Sobrang sakit masampal ng katotohanan lalo na kung ito ay patungkol sa isang bagay na gustong-gusto mo. I was pertaining to love.

Kahapon habang ako, si Kat (classmate ko---Treasurer ng SG) at yung coordinator namin ay nagbibilang ng pera ay naisipan naming maglakad pauwi upang kumaen ng bananacue. Naungkat ang usaping love nung tinanong ni Kat si Maam Mish kung nakailang bf naba siya and siyempre di sinasabe ni Kat hanggang sa sobrang share na sila (pati ako) err.

I just want to share some quotes na talaga namang ang sakit. As in tawa na lang ako pagkasabi sa akin ni maam.

"Alam mo kung nasan ka ngayon, Alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw na lang mismo ang ayaw bumitaw" "Sometimes it isn't Love any more..."


AWTS. Gumuhit lahat ng sinabe ni maam sa utak ko. Pagpapakatanga? Totoo ba yung narinig ko. Tae, antg hirap tanggapin ng realidad na tanga ako sa pag-ibig. It's my fault also. I gave my all without any assurance that SHE will love me in return.

Pero beside the fact na TANGA na ako, siguro masasabi ko na rin na Tough ako. Mahirap kaya na sa pangaraw-araw ay nakikita mo siya, one seat apart (isama na doon ang maliit na daanan na naghihiwalay sa row namin), at yung Fact na BESTFRIEND ko siya. Ang hirap parekoy. Pero still I can manage it.

Hanggang ngayon I'm still thinking of thosae quotes na talaga namang ang sakit na sampal para sa akin. Kaya minsan nananahimik nalang ako. Besides this I have another conflict to solve. (nevermind err..)

Dear Maam Mish :D

Salamat sa sampal. Ang sakit. Tumatak talaga sa muka ko. Ginising mo ang natutulog kong pagiisip. BESTFRIEND ako, hindi LOVER. Tatandaan ko yan :D

--lui :D


Thinking still...

Friday, January 22, 2010

Luha

Luha---isang bagay na maaring magpayahag ng damdamin mapamasaya man o malungkot. Para sa ilan kagaya ko, ang luha ay mahalaga. Once na pinakawalan mo ang luha, hindi mo na ito maaaring maibalik sa mga mata mo. Ang luha ay isang kayamanan- na pinawawalan lamang para sa mga taong may halaga sa iyo.

Ang luha ay nagpapakita ng pagmamahal para sa isang tao. Kapag lumuha ang isang tao, mapabata man o matanda ay tiyak ang pagmamahal nito. Isipin mo, iiyak ba ang isang bata kapag iniwan siya ng mga magulang niya kun hindi niya ito mahal, o iiyak ba ang isang bata pag inagaw ang kendi niya kung hindi niya mahal ang bagay na iyon?

Pero bakit sa mga panahon ngayon, ang dali bumuhos ng luha? Parang sa mga pagkakataon na tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata eh napapaisip ako, sayayang naman yang luha na yan, para na lang sana sa taong mamahalin ko.

Wagas ang pag-ibig kapag may kasamang konting tampuhan at sigalot---napapaloob na dito ang luha. Ito ang nagpapatibay sa samahan ng isang couple. pero pano pag iniiyakan mo na pala ang maling tao? Wagas man ang pagmamahal mo para sa taong iyon, nonsense parin dahil di naman mahalaga sa kanya ang bawat luhang pumapatak sa iyong mga mata.

Ang saklap pero totoo. Sa buhay natin, hindi natin alam kung tamang tao na ba o hindi ang pinagtutuunan natin ng luha. Minsan nagstick tayo sa pagaakalang tayo ng mahal natin at pagnalaman ang masaklap na katotohanan ay may isang bagay na masasayang--ang luha.

Hindi ko rin masisisi ang mga taong umiiyak sa maling tao, dahil isa rin ako sa kanila. Isa rin akong tao na sa tingin ko ay sobrang dami nang luha ang inaksaya. Isa ako sa mga taong inakala ang pag-ibig na wagas. Isa ako sa mga simpleng kabataang lumuluha, sa mga maling bagay.

Mahirap pigilin ang luha. Pagtutulo na yan, wala ka ng magagawa. Ganun din ang love diba? Kaya gaya ng luha, huwag aksayahin ang love sa mga bagay na hindi mahalaga, dahil malay mo, gaya ng mata na napapagod sa pagluha, ay mapagod ka na rin sa paghmamahal.

T.T

Wednesday, January 20, 2010

Kamatis

Bakit kaya ang tao pagsobrang inaasar ay namumula ng pagkapula-pula gaya ng kamatis? Nagtataka lang ako kung anong klase hiwaga ang nagaganap. Dahil ba sa hiya o sa saya? Ewan. Ang gulo.

With regards to this, eto na. Kanina napagtripan naman ako ng mga classmates ko. Habang naglelecture kami dahil wala ang teacher ay naisipan ng classamte ko na si Dayan na ibunyag lahat ng nakalagay sa blog na ito. Including those past post ko. eh ayoko pa naman ng ganun kasi medyo naiilang ako, patungkol pa naman halos lahat ng post ko dito kay BFF.

Isa-isa niyang binanggit details ng blog post ko. Sobrang nahiya ako sa kanya at ewan ko. Ang init ng muka ko LOL. Namula daw ako. Ay ewan. At nageexpect na ako na bukas ay aasarin nanaman ako dahil sa blog post na toh pero kahit ganun, ok lang bleh :P.

So what's the sence of my new post?

"Lahat ng tao may weakness" (huh?) In connection to this, ang weakness ko talaga ay ang pagkaexpose sa tao sa ganung kasensitive na usapan kaya nangamatis ang muka ko LOL. Kaya kayo, mabuti na alamin niyo ang weakness niyo para pag dumationg ang araw na maencounter niyo ang weakness niyo eh madali kayong makakalusot.

Ngayon, pagaaralan ko magpakamanhid para di na ako maapektuhan ng mga asar nila LOL.

BTW HAPPY BIRTHDAY JANELLE MERCADO AKA BFF/BOLLIE

may pagkamagulo ang post ko ngayon pasensiya na!

Saturday, January 16, 2010

Paluwagan

Usap-usapan ng mga matatanda sa maliit na talipapa malapit sa amin ang Paluwangan.

"Magkano paluwagan niyo...?"

Yan lang ang narinig ko dahil papauwi na ako matapos bumili ng dapat kong bilhin. Gumana nanaman ang pagkawirdo ko at pati paluwagan ay napagdiskitahan kong isipan ng blog post :D.

Ano nga ba ang paluwagan?

Ang paluwagan ay isang sistema ng pagiipon ng pera mula sa pagbabayad din nito. Anu daw? Basta pagiipon na yon. Meron silang tinatawag na sweldo kung saan makukuha mo ng buo ang maiipon mo sa panahong sakop ng paluwagan niyo kahit mauna ka man o mahuli lahat ay may sweldo.

Naisip ko lang. Ang Love parang paluwagan. Magsasakripisyo ka, maghihintay pero kahit huli ka man, Makukuha mo naman yung mahal mo ng Buong-buo. Kaya wag tayong matakot kung sa akala natin ay masyadong ng late para dumating ang love. Malay mo, ikaw nga ang nasa dulo ng sweldo list ng paluwagan. Wag kang atat. Makukuha mo din ang para sa iyo sa takdang oras.

:D

Friday, January 15, 2010

History Reapeats itself..

Naglalakad ako papunta sa computershop habang nagtetext dahil nga addict ako sa pagtetext e kahit san dala ko ang cellphone ko. Siya lang ang katxt ko kaya alam ko na sa kanya galing ang mensaheng kakatanggap ko pa lang.

Binasa ko ito.at nagreply ako

"ahm..pede ka ba maging bestfriend, para meron na din akong bestfriend na boy"

"oo. sige."

Halos magiisang taon na ng nangyari ang mga kaganapang ito. Naging magbestfriend nga kami at tulad ng nasabi ko sa iba kong blog post eh hindi rin nagtagal ang aming pagiging bestfriend sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nitong mga nakaraang araw. Nilapitan niya ako noong uwian na. May sasabihin daw siya sa akin. Ilang araw ko din siya kinulit para sabihin iyon. Ewan ko ba. Parang galak na galak ako at naeexcite malaman yung sasabihin niya hanggang kaninang bago maguwian.

Dahil nga tinatamad akong magsalita (err) kumuha ako ng papel sa sahig at sumulat sa papel ng mga salita "sabihin mo na kasi" at sabay sitsit sa kanya at pakita ng papel.

Kinuha niya iyon at doon nagsimula kaming magusap tungkol sa bagay na gusto niyang sabihin hanggang sa marating ang main point.

"Pde k vang maging bff ult?" yan ang nakalagay sa scratch papers (madami kasi) na tila umano ay sinulat sa steno pero nabasa ko pa rin.

Eto nanaman. Another step towards her.

The main thought is this. Dapat alamin ko lang yung limitasyon ko ng MABUTI. never fall again kasi HINDI PWEDE. Inuulit ko HINDI PWEDE.

I can handle this situation better, I bet. But for now, I am just happy. The relationship is back.

At the end of the day, para akong lumulutang sa tuwa. Is that the right term? No! Siguro na miss ko lang siya ng sobra dahil sa isang taon na di ganun kagandang samahan.

Salamat sayo. Pinasaya mo araw ko.

PS..bago pala mangyari ang lahat kanina ay humingi ako ng sign at nagkatotoo ang sign. LOL. Pero sabe nga sa quote. "Kahit gaano karaming signs pa ang dumating, kung hindi kayo para sa isa't isa, eh hindi talaga kayo"