Darating at darating ang panahon na kailangan nating maging propesyonal
Isang araw, narinig ko iyang statement na iyan sa aking kapatid sa YFC community na si kuya Adam. (tingnan ang litrato namin dalawa sa ibaba ).
From left: Ako, Kuya Adam |
Siguro nga, darating talaga ang panahon na kailangan nating iwan ang mga bagay na sobrang mahal natin hindi dahil hindi na natin ito mahal o gusto, kung hindi dahil may naghihintay sa atin sa mas malawak na mundo.
Sa apat na taon kong pagiging bahagi ng YFC, naramdaman ko ang pagmamahal ng mga taong itinuring ko na mga ate at kuya ko sa komunidad na ito. Sila ang mga taong humuhubog, gumagabay, kumakalinga at nagmamahal sa aming mga bago pa lamang sa komunidad na ito. Sila ang nagsisilbing pundasyon ng aming nagsisimula pa lamang na relasyon kay kristo. Sa loob rin ng apat na taon na ito, naramdaman ko rin ang lungkot na unti-unting nawawala ang mga kuya at ate namin sa YFC hindi dahil sa hindi na nila kami mahal. Dumarating lang talaga ang punto na kinakailangan na nila kaming hayaan itayo ang mga sarili namin dahil kailangan din nilang lumago bilang isang tao; lalong higit bilang isang propesyunal. Ito ang nakalulungkot na katotohanan.
Sobrang mahal ko ang mga ate at kuya ko sa YFC. Sobrang blessed ako dahil sila ay naging malaking impact sa aking paglaki.
Ate at kuya, sa inyong pag-alis sa pamilyang ating kinalakhan, gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat ng naibahagi ninyo sa amin. Sa inyo ko natutunan kung paano magmahal ng pagmamahal na hindi binibilang kung gaano na ba karami ang naibigay bagkus ay ang pagbibilang ng ilan pa ang dapat at makakaya pang ibigay. Sobrang sainyo ko lang po natutunan yakapin ang bawat isa ng buong-buo at walang halong pag-iimbot. Sobrang sainyo ko lang po natutunan ang tunay na sakripisyo, participants muna bago tayo.
Salamat po! Kung darating na nga ang panahon na kinakailangan niyo na talagang umalis, susubukan po naming maging katulad ninyo. Yayakapin namin ang mga kabataang susunod pang magiging bahagi ng ating lumalagong pamilya.