Saturday, October 15, 2016

Tatlong Taon

WOW!

Sa dami ng salita, yan na sa tingin ko ang perpektong makapag-sisimula ng post na ito. Tatlong taon akong nanahimik at nawala sa espasyong ito sa isang dahilan--nakalimutan ko ang user account at password ko. :( 

Pero maraming salamat at nauso ang account recovery. Akala ko magiging ala-ala na lang ang blog na ito at tuluyan na lalamunin ng sangkatutak na internet data ang wala namang sense na naka-post dito. Pero mali ako. Kapag mahal mo at para sa iyo talaga, babalik at babalik ito para sa iyo. Huwaaat.

Anyway, tatlong taon! Huwaw. Ang bilis ng panahon. Yung mga huling entries ko dito parang fresh na fresh pa ako sa college. Ngayon, nakalaya na ako sa mahal na unibersidad matapos ang sandamakmak na dugo na aking iniluha at kilay na aking sinunog. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang daming nagbago. Kapag binabasa ko yung mga entries ko dati, minsan napapa-iling na lang ako sa sobrang ka-cornihan. Minsan naman napapa-isip na lang ako kung ako ba talaga ang nagsulat noon. Paano ako humugot dati? Feeling ko dati ang daming katas ng utak ko pero ngayon, kinain na ata ng mga formula at iba pang technical knowledge ang creative juices ng utak ko.

Marami din nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Mahirap isa-isahin. Hindi ko na din kasi nakuhang magsulat pa nung college sa dami ng ginagawa. Pero kung curious kayo (as if naman may nagbabasa netong blog na ito) , noong mga panahon na hindi ko mabuksan ang blog na ito, gumawa ako ng bagong blog at may apat na post dito (http://malayang-taludturan.blogspot.com). 

Oh siya, hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ng buhay pero kahit na ganun, subukan pa rin natin mag-sulat. Ituloy na natin ang pag-ikot ng mundong ito!

Muli, ako po si Renz at ito ang Sulatkamayko!

1 comments:

BatangGala said...

Hello Renz! Congratulations at tapos ka na sa college and welcome back! parang kelan lang tayo pa pinakabata sa blogsphere! looking forward to hear more of your stories!!! -batangG