Sunday, January 23, 2011

Ako ay Nagnilay

Tumatakbo ang oras kahit walang paa. Mabilis. Hindi ko namamalayan. Siguro dahil madami akong ibang bagay na pinapahalagahan na dapat ay hindi naman bigyan ng ganoong kalaking atensiyon. May mga bagay na kailangan gawin ngunit hindi ko na nagagawa dahil inuuna ko ang mga bagay na hindi dapat. May mga bagay na hinahanap-hanap ko pero hindi ko alam, nasa kamay ko na pala. Ang buhay ay sadyang mabilis kung kaya't ako nagpapasalamat kasi sa tatlong araw ay napabagal ko ito.

January 13-15 2011, Huwebes hanggang Sabado, pumunta kami sa hometown ni KESO --> Silang Cavite uipang mag retreat. Nabanggit ko na sa mga uanng posts ko na nagretreat kame pero eto na ang kwento tungkol doon. Isang linggo pa lang bago magretreat pinapaalalahanan na kami ng aming adviser na hindi yun isang outing kung hindi retreat at paulit-ulit ko pang dinefine yung retreat. pati ba naman sa mismong simula ng retreat ay dinefine ko pa. Grabeng tunay.

Sinabi ko sa taas na napabagal ko ang oras. OO. Napabagal in a sense na napag-isip isipan ko talaga yung mga bagay na dapat kong isipin sa loob ng tatlong araw. Sino ba ako? Ano ba ang halaga ko sa mundong ito? Sino ba ang mga tao sa pailigid ko? may dulot ba silang maganda sa akin? O sila lang ay mga sugo ni taning na umaakit sa akin sa kasamaan. Kung iisipin ninyo napakaseryoso naman ng post na ito. Minsan, sa buhay, hindi lahat naidadaan sa kasiyahan. Ang pinakamasarap sa buhay ay yoong malaman ang katotohanan at matanggap yon. Doon magsisimula ang kasiyahan sa puntang natanggap mo na ang katotohanan.

Unang araw, pinipigilan ko talaga ang umiyak sa bawat sharing mga mga ka-edad ko, mga classmates ko. Ayoko kasi maging emosyunal sa harap ng mga classmates ko kasi gusto ko matapang ang aura ko. Pero hindi ko na napigilan noong mga sumunod na araw. lalong-lalo na nung natanggap ko yung sulat na galing sa ate at sa nanay at tatay ko. Though expected ko na na magpapadala sila ng letter, naiyak pa din ako kasi yung content ay hindi ko inaasahan na ganoong kasweet. Sa isang anak na laging nasisigawan, isang masayang achievement at regalo na mula sa isang magulang na laging galit ang isang sweet at emosyonal na sulat. Habang sumusulat nga ako ng reply eh maluha-luha at mauhog-uhog pa ako. Dahil doon nalaman ko na mahal pala nila ang kanilang bunso ng tunay.

Pero hindi lang naman puro seryoso ang retreat. Siyempre mawawala ba diyan yung mga kalokohan? lalung-lalo na sa dorm. Kasi kaming mga boys ay hiniwalay ng building sa mga girls sa kadahilanang madame kami at baka kung ano ang mangyari. Though wala mga chjicks, nakakatuwa pa rin kasi nakapagbonding-bonding kaming mga brothers. Wrestlingan to the mas at tawanan buong araw. Isama pa ang pamorningan na kwentuhan at sabihan ng mga sikreto. Doon tumibay lalo ang samahan namin. Imagine, isang kwarto na pang 3 persons lang eh siyam kaming nagsiksikan. Kasi daw may multo kaya nagsisilipatan kami. Haha.

Eto nga pala yung ibang fun shots noong retreat. uwian na lahat yan kasi kinuha lahat ng gamit namin noong pagdating namin at ibinalik noong papauwi na kami. Wala tuloy kaming pic ng mismong activities namin na lumusong sa imburnal ng nakablindfold. Ang saya sobra.


Kung ano ang ikinabagal ng oras dahil nakilala ko ang sarili kio, ganoon naman ito naging kabilis dahil tatlong araw namin ay tapos na. kailan kaya ulit ako makakapagretreat? Siguro huli na to. Sobrang napakasaya ng tatlong araw na ito dahil nakasama ko yung mga classmates ko sa pagninilay ng mga bagay-bagay. Noong pauwi na nga kami parang ayaw pa naming lahat. Eto na kasi ang naghuhudyat na malapit na. Ilang araw na lang. Isang hapon na ng marso. Lalakad kasi sa hall na nakaputi. Bumibilis na ang oras.

Monday, January 17, 2011

Back to Back Birthday

I know right. Nagbalik na ako dito sa bahay galing sa isang nakakabagong retreat namin sa National Shrine of La Salette sa Silang Cavite. Shrine yun ng school namin. Wala lang. Share ko lang. Hindi naman talaga ito ang topic diba. Eto na nga.

January 17

Isang araw kung saan dalawa sa pinakamahal kong tao ay nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon. Malapit kasi itong dalawang ito sa akin at eto na lang ang way ko na mapasalamatan sila sa lahat dahil wala naman akong pera pambili ng regalo. Pag engineer na ako saka ko na lang kayo reregaluhan.

Una.

Sino ang hindi nakakakilala dito kay Miss Fat? Siguro merong iba na hindi siya kilala. Baka nga ang sabihin niyo pa, Who cares? Sino ba yang mga siya? may dulot ba siya sa akin? Sa akin? OO

Siya po yung adviser ko last year na ngayon ay adviser nila bhenipotpot na english teacher ko pa rin. Siya ang ugat kung bakit ako nagbloblog ngayon dahil sa activity niya noon na nahanap ko sa blogger. Bilang pasasalamat sa blogger eh nagcreate ako ng blog at nagsabing mabloblog ako.

Anyways, highway, si miss fat yung tipo kasi ng teacher na hindi mo halatang teacher kasi hindi siya yung tipikal na maria clara teacher. Modernized. pafb mobile na lang. Promoprojector at kung ano pa. Yun yung dahilan kung bakit gustong gusto ko pag subject niya. Hindi boring.

Siya din yung tao na ang lakas magkwento ng katatakutan tapos pagnagkakatakutan na, siya yung pinakamabilis tumakbo kahit nakaheels. Oh diba?

Last year, nung 21 siya, kasama namin siya na sinalubong yung birthday niya kasi nasa overnight swimming kami noon. Nakakamiss nga eh. Isang taon na ang lumipas nung sinasakyan niya ako sa likod sa wave pool at sabe ilangoy ko daw siya. Balyena ba ako? XD Isang taon na din nung sumayaw siya sa table kasi trip niya lang.

Di man kami ang nakasama mo ng matagal ngayong birthday mo miss fat, at least kahit papaano eh nabati ka naman namin at naalala kahit rush ang card ng aming section for you. You will always remain as our Inang RIVAS, our sister, our adviser.

2ND

ISA SA PINAKAIMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO.
Ang MOMMY KO.

Imagine kung hindi siya isinilang noon, wala sana kayong mababasang walang kwentang blog ngayon. Utang ko ang lahat sa kanya.

Sobrang mahal na mahal ko si mommy. Mas lalo ko pa siyang minahal dahil nakikita ko lahat ng sakripisyo na ginagawa niya para sa aming pamilya. Hindi tulad ng isang tipikal na ina, ang mommy ko ang nagtratrabaho ngayon. Buti nga at nakabalik na si papa sa work.

Ang mommy ko ang best mommy in the world. Maliit man siya sa ating paningin, malaki naman ang lugar niya sa puso ko. Kanina nga, napilitan sioyang gumising ng maaga para magluto. Usually si papa ang naghahanda ng lahat sa umaga pero since nagwowork si papa, siya na muna. Birthday na birthday niya pero kame pa rin ang inuna niya. Balak ko nga na pagtampuhin siya. Kunwari di ko naalala na birthday niya pero di ko kinaya. Niyakap ko siya habang kumakanta ako ng happy birthday mommy sabay kiss.

Mas mahal ko siya ngayon kasi natouch ako sa sulat niya sa akin nugn retreat. Share ko to:

"Anak, alam mo noong bata pa ako, sinasabitan ako ng lola Inang mo ng medal sa stage. Sabe ko sa sarili ko sana pagtanda ko ganun din ako sa mga anak ko. Hindi niyo ako binigo ng ate mo"

Sa pinakamagandang nanay sa balat ng lupa, HAPPY BIRTHDAY MOMMY! LOVE YOU TODO TODO! Di mo man mabasa to, ayos lang. May surprise kame sayo. Cake. XD uwi ka na ha XD

Monday, January 10, 2011

Random

Tulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng isang magandang entry. Isama pa doon ang oras na hinahati-hati ko sa pag-eedit ng video, paggawa na thesis, pag-research para sa project namin sa thesis at at pagcross stitch. Puro hirap ngayon. Final grading na kasi. Sinasala na kami bago kami i-release ng school namin for graduation. Halos 2 buwan na lang kasi at tatanggap na kami ng diploma muli.

Bago pala yun, may retreat kami sa La Salette, Silang Cavite. Excited ako magretreat kahit hindi ko naman first time na mapupunta sa Silang kasi doon naman talaga kame nagreretreat sa mismong retreat house ng school namin. Exciting kasi yun. Aside from reflecting about myself eh makakabonding ko din ang mga classmates ko. Isama pa diyan ang ghost experiences. Ang dami doon kasi ang tahimik ng lugar. Nakakatakot pero nakakaexcite pa rin.

Sana machange ako ng retreat na yun. Hopefully, maging mas mature ako mag-isip pag-uwi ko dito sa amin sa Bulacan.

Nga po pala, sprry kasi hindi ako nakakadalaw sa inyong mga blog. Babawi ako after ng lahat ng ito. Lagi ko naman sinasabi sa inyo na babalik ako. hehe. Singit-singit lang to sa oras ko. OP cya, edit movie mode muna ako. :]

Wednesday, January 5, 2011

Pinakahihintay


January 3, 2011 ang nabasa ko noon sa website nila na irerelease daw ang result ng UPCAT. So January 2 palang eh tense na kaming lahat at nagaabang na ng pagpasok ng 3 para makita ang results ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test). Matagal din main tong hinintay. 5 months kaming clueless kung ano na nga ba ang resulta ng entrance exam namin.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang eh ipinost ko ang Kwentong UPCAT ko. Ngayon eh lumabas na ang resulta.

Pero bago ko sabihin ang resulta, nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin lumakad ng papers ko for UP, at the same time sa review center at sa ibang mga sources. Di niyo naman toh mababasa pero salamat pa rin.

So ayun na nga. Kinabukasan eh nabalitaan na yun sa school ni Miss Fat. (sa mga di siya kilala, siya yung teacher ko sa English na nagbabasa minsan dito at minsan ko ng nagawan ng entry) at tiningnan nila sa internet sa school at ang sabi ay naiba daw yung January 3. Naging 1st week of January daw. Takte naman. Pinaeexcite kami lalo. Pinasasabog ng UP ang kabado naming mga puso.

Kinagabihan ng January 3, piniem ako ng kaklase, 10pm daw ang release ng results. Nagtweet daw yung taga-UP na admin. So at yun nag-abang na kami ng resulta sa website. Takte 10:30 na eh di pa rin lumalabas yung resulta. Sabe daw sa tweet eh baka daw before 12 pa daw or worst scenario eh January 4 pa raw. Di ko na hinintay. Natulog na ako. Nagpray na lang ako.

kinabukasan, paggising ko ng alas sais para maghanda sa pagpasok sa school eh binuksan ko ang PC at titignan ang result. Pag-open ko ng site, walang result akong nakita. First week pa rin ng January yung naandoon. Clinick ko yung mga mirror sites. ABA MERON NA! Kinabog ang dibdib ko sa kaba at excitement.

Hanap hanap ng name range.
ST.....
Su...

At eto ang sumunod kong nakita :

(malabo yung pic. Dito na lang po yung link -> UPCAT 2011 RESULTS)

Ang una kong nasabi ay ang isang "UI PUMASA AKO" with the tone of bagong gising na walang feelings. Sobrang natuwa ako niyan pero ang hirap magexclaim pala pag bagong gising. Tinawag ko agad ang mommy at papa ko at natuwa naman sila sa result ng exam ko.

OMG Los BaƱos is so far. Ibig sabihin malalayo ako sa pamilya ko ng 5 years? independent na ba ako next year? saan ako titira? Pero ok lang. kaya ko yan lahat for UP. YES I'M PROUD TO BE UPINIAN. Sa UP na talaga ako mag-aaral for sure.

I survived UPCAT 2011. Tulad nga ng wish ko noong una akong makapunta sa UP, babalik ako at eto na ang passport ko. BABALIK NA AKO, UP!

Ang saya ko!

Thank You Lord for making me Pass this University! :]

Sunday, January 2, 2011

Unang Hirit sa Bagong Dekada

Sa pagtatapos ng 2010 at pagsisimula ng 2011, may nabasa akong nagsasabing "bagong dekada na!". Totoo nga. Bagong dekada na. Panibagong 10 taon para makita kung uunlad pa ba tayo o babagsak o kaya naman ay ganito pa rin.

Actually, wala naman yan sa dekada. Nasa tao pa rin yan. Hayaan na nga natin yang usapin na yan. Nalayo na ako sa gusto kong sabihin. hirap talaga gumawa ng intro HAHA

Naging masaya naman ang pagsalubong namin sa bagong dekada. Sampu pa rin ang mga daliri ko sa kamay, gayun din sa paa. Walang sugat na maaaring likha ng paputok. Swabeng swabe at cute pa rin. (Wag na angal XD)

Ngayong New year, ni isang paputok o kahit anong pailaw ay hindi kami bumili. Malalaki na kami. Di na namin gusto ang bumili ng lusis na nakaugalian. sa pagkain na lang namin inilaan ang perang susunugin sana upang magbigay ng panandaliang ligaya.

Pagsalubong sa New Year

Ewan ko kung sadyang atrasado yung relo ko noong New Year dahil wala pang alas dose eh kabi-kabila na ang paputok. Mga 10 minuto pa sa orasan ko ay naggagandahan na ang pailaw sa himpapawid. Tapos nung alas dose na, aba wala na masyado. Kaya ayun nadismaya ako dahil wala pang 15 minuto ay tapos na ang putukan dito sa amin. Tag-tipid na ang mga tao.

Hindi malilimutan ngayong New Year?

Ang hindi ko malilimutan na nangyari sa aming pamilya ngayong new year ay noong nagGROUP hug kame. Ako, si Papa, si Mommy at si Ate. Kumpleto kami at masayang magkakayakap sa ilalim ng magagandang pailaw. Oh, diba touching. Hehe. good way to start the new decade. Sana kagaya ng handa naming malagkit eh mag stick together kamibng pamilya ng super close. Yun na lang ang ipagmamalaki namin kasi. Bukod sa dunong eh ang kumpleto at masayang pamilya ang panlaban namin sa mga kapitbahay naming bigtime sa datong.

Sana ay maging masagana ang 2011 para sa ating lahat.

PS Upcat results ko bukas.
Kinakabahan ako.
Sana pumasa ako. Please Lord, Best New year Gift Ever yun!
:]